Chapter One

22.7K 258 12
                                    


"BABY, you can forget everything. But please," Pabirong kumindat si Selena. "Don't ever forget that you love me."

I didn't. And I never will. Ikaw ang nakalimot, mahal. Bulong ng puso ni Dean habang pinagmamasdan ang pagrehistro ng matinding pagkadismaya sa magandang mukha ng asawa nang dalawin niya ito sa hospital room nito. Malinaw na hindi siya ang inaasahan nitong makita.

Sandaling napahinto si Dean sa paghakbang palapit kay Selena. Pakiramdam niya ay may daan-daang patalim na tumatarak sa puso niya nang mga sandaling iyon. Napakalapit lang ng asawa. Abot-tanaw niya. Abot-kamay niya. Pero hindi niya pwedeng abutin. Hindi niya pwedeng yakapin. Ni hindi niya ito mahawakan sa takot na kumawala ang gahibla na lang na kontrol niya sa sarili at hindi na ito mapakawalan pa.

Nag-alis si Dean ng bara sa lalamunan bago niya nagawang magsalita. "I'm sorry if I'm not the one you're expecting, Selena."

"Silly," Ngumiti si Selena. Isinenyas nito ang couch hindi kalayuan sa kama nito. "Maupo ka na muna. It's been a while, Dean." Sandali itong napasulyap sa kalong niyang sanggol. "Kumusta ka na?"

'Still alive. But every part of me feels dead. Buhay na patay. Ganoong-ganoon ako ngayon. Gustong-gusto kitang yakapin. Gusto kong humugot ng lakas sa 'yo. Kasi Selena... ubos na ubos na ako. How he wished he could say those words. Pero ang mga bagay na iyon ay mananatili na lang sa isipan niya. "I'm... fine. Ikaw, kumusta ka na?"

Ilang sandaling kumunot ang noo ni Selena. Pinakatitigan nito si Dean na para bang pilit na binabasa ang nilalaman ng isipan niya bago ito muling ngumiti. "Strange. Now that I see you, I feel like I've really missed a lot of things. Frankly, hanggang ngayon ay nahihirapan akong maniwala sa sinasabi nilang may amnesia ako. Everything just feels... the same. Except for the date, of course.

"Pero nang makita kita at ang bata, ngayon na ako naniwala." Sa halip ay gulat na sagot ni Selena. "May anak ka na pala? And don't you dare lie to me. The baby looks exactly just like you, Dean." Muli itong napatitig sa kalong niyang sanggol. "Kinuha mo man lang ba akong ninang niya? Magtatampo ako kapag nalaman kong hindi. Para namang wala tayong pinagsamahan kung gano'n."

Gustong matawa ni Dean sa mga naririnig. Iyon mismong ina ng anak ko, tinatanong ako kung kinuha ko daw ba siyang ninang nang binyagan ang anak ko. Good Lord, what have I done wrong? Bakit ba ang lupit ng mundo sa isang tulad niya? Anong klaseng parusa ba ito?

Bigla ay gusto ni Dean na ikumpisal na ang lahat... kung hindi niya lang nakikita ang mga bodyguards ni Selena na nakasilip sa kanya sa pinto ng kwarto na para bang sinisiguro na tutupad siya sa usapan, sa lintik na usapan nila ng mga amo ng mga ito.

"Come here." Tinapik ni Selena ang espasyo sa tabi nito sa kama nito. "Ipakita mo naman siya sa akin nang husto. He's such a handsome little boy. Anong pangalan niya? And where is his mother? Bakit hindi mo siya isinamang dumalaw rito?"

"His name is Elijah." Our Elijah. Ikaw mismo ang nagbigay ng pangalan sa kanya, mahal. "His mother? Well... she woke up one day and found her heart beating for someone else." Mapaklang sinabi ni Dean kasabay nang paglapit kay Selena. Pero hindi siya lumapit nang husto rito. Isa iyong sugal na hindi niya alam kung magagawa niyang panindigan pagkatapos.

Sa stool sa tabi ng kama ng asawa naupo si Dean. Narinig niya ang pagsinghap nito. Nagsisikip ang dibdib na ibinaling niya na lang ang atensiyon sa anak.

Nahuli ni Dean ang sanggol na nakatitig rin sa kanya. Pakiramdam niya ay nakatitig siya sa sariling repleksiyon sa salamin. Because he felt as vulnerable as his son. Bukod pa roon, hindi maitatangging kamukhang-kamukha niya ito. Hangga't maari ay pinipilit niyang magpakatatag para sa anak pero sa mga ganitong pagkakataon na nakakaharap niya ang ina nito, lahat ng sakit, pigilan niya man ay sabay-sabay na bumabalik.

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon