MASARAP SA pakiramdam yung tipong may minamahal ka, tapos may nagmamahal sayo pabalik. Give and take kumbaga. Sabi nila, the best feeling in the world is the undying love of both couple, friends... families. Sabi din nila na walang rason ang pagmamahal, mahal mo siya kasi yun yung nararamdaman mo. No boundaries, no guild, no escape route, dahil kung meron man, that's not love. Walang pinipili ang pag-ibig, dahil kapag ikaw ang tinamaan, tinamaan ka. Di mo matatakasan ang sigaw ng puso. Pero kasi, when you love, you accept the idea of getting hurt, not now but soon. Dahil di naman kasi puro saya lang, nasan ang thrill kung walang ibang emosyon, diba? Kung tatawa ka lang at ngingiti, walang thrill kapag di ka lumuha. But we didn't saw that coming, magigising nalang tayo isang araw, wala na. Masakit na. Durog na. Ang hirap-hirap ng bumangon kasi nga wala na yung happy pill mo. Wala ng dahilan ang minsang pangngiti mo.
.......
Pero sabi nga nila, if your love ends cruelly, then that's not true love. That's not the end of your happy love story.
YOU ARE READING
Cruel Series
Short Story"Love doesn't define the kind of human you are." --------------------------- A short story drama series. Ako si Reimar Villa, na galit kay tadhana. Galit na galit. I wrote this story to atleast ease my burden feeling. NOTE! May mga maseselang salita...