SA LIMANG TAON naming pagsasama ng nobyo ko, marami ang nangyari, pero nagawa naming lusutan yun.
"Happy anniversary, bakla" malambing kong saad sa boyfriend kong tulog na tulog sa tabi ko. Saka ko siya dinampian ng halik sa labi.
Tumayo ako para magluto ng umagahan para saming dalawa. Suot suot ang t-shirt niyang dress na sa katawan ko at ang undies ko. Dumiretso ako sa cr para maghilamos at mag toothbrush tapos pinuyod ko ang buhok ko into messy bun. Parang kelan lang nung una kaming nagkita, nag asaran, tapos ngayon ito na kami. Limang taon na kaming magkasintahan. Tanda ko pa noon kung paano siya mag tampo kapag di ko siya nabibigyan ng atensyon dahil ng tambak kong trabaho.
"Babe, I'm home" sabi ko habang binubuksan ang pinto. Tahimik ang bahay, tanging ang bukas na tv lang ang gumagana at ang stand fan na umiikot. "Nasan na 'yun?" bulong ko sa hangin saka ko na sinara ang pintuan.
Dumiretso ako sa sala at natagpuan siyang nanunuod ng isang series ng kdrama. Pinakailaman niya na naman ang collection ko.
"I'm home" saad ko ulit ngunit gaya ng kanina ay di niya ako sinagot o yinakap manlang. Ano problema nito?
"Sabi ko nandito na ako" ulit ko ulit saka humarap sa kanya, ngayon ay hinarangan ko ang tv niya.
"Alis, nanunuod ako" naiinis nitong ani na kinunutan ko lang ng noo.
"Mas mahalaga ba ang pinanunuod mo kesa sa pagdating ko?" nangungutya kong tugon dito. Tinignan niya lang ako ng masamang tingin, ano bang problema ng kumag na'to?
Ngumisi ito ng ngising nanunuya, "Wow ha? Coming from you?" sarkastiko nitong saad, "Mas mahalaga pa ba ang trabaho mo kesa sa anniversary natin?" napasinghap ako sa narinig ko. Tinignan ko ang relo ng napagtanto ko ang date ngayon, 16. Third anniversary namin!
Umupo ako sa kandungan nito saka ko yinakap, "Pasensya na babe, di ko namalayan ang date" yun ang pinaka lame na dahilan pero sinabi ko parin dahil tunay naman. Paumanhin ko dito pero di niya ako kinibo sa halip ay ibinaba niya ako sa kanya at umakyat siya sa kwarto niya.
Ilang araw kami noong di nag-usap. Ako naman kasi itong si tanga, di na naalala ang anniversary namin. Kaya ayun, di ko na ulit inulit yun, sinigurado kong kapag anniversary namin ay ako ang unang bumabati sa kanya.
Matapos kong lutuin ang agahan namin ay minabuti ko siyang tawagin sa kwarto ko. Akmang hahawakan ko ang doorknob ng marining ko itong may kausap.
"No, I'll be there in 1 hour. Don't go anywhere" saad nito. Hinintay kong may sunod pa itong sabihin pero di na siya nagsalita kaya binuksan ko na ang pinto nang naabutan ko siyang tumitipa sa kanyang cellphone.
"Who's that?" tanong ko dito. Saglit pa itong tumipa saka pinatay ang cellphone at humarap sakin.
"Company. Kailangan daw nila ako" saka niya ako ginawaran ng halik sa noo. Dumiretso ito sa cr.
"So you're leaving already?"-ako
"Yeah, mahaba ang biyahe babe. Traffic pa kasi rush hour ngayon. Siguro motor ang gagamitin ko para mapabilis ako at hindi mabagot sa traffic."-Luis
Pinasadahan ko ito ng tingin dahil sa suot niyang natatanging boxer lang. God, ang swerte ko sa isang 'to.
"Wala kang... naaalala?" nagdadalawang isip pa ako kung itatanong ko yun.
"Uhmm... oo. Yung kagabi, sorry. Napagod ata kita" saad nito ng may nakakalokong ngiti. Di naman yun ang kailangan kong marining eh!!
*pout*
*tsup*
YOU ARE READING
Cruel Series
Short Story"Love doesn't define the kind of human you are." --------------------------- A short story drama series. Ako si Reimar Villa, na galit kay tadhana. Galit na galit. I wrote this story to atleast ease my burden feeling. NOTE! May mga maseselang salita...