04
Some of the teenagers at Kristory's age don't have problems as many as she have.
Pag-gising niya sa umaga ay siya mismo ang nagsasaing para sa sarili niya, pagkatapos niyang maligo ay magluluto pa ng ulam para sa umagahan at baon niya para sa tanghalian, tapos pupunta sa eskwela, bawal ang bagal-bagal, kundi, maaabutan ka ng traffic at malelate sa eskwela.
Pagkatapos ubusin ang pananghalian ay didiretso sa trabaho. Bawal umabsent, kapag ginawa, mababawasan ang sweldo. Kapag nangyari 'yon, hindi siya makakabili ng sapat na pagkain, hindi makakabayad ng renta, doon niya nilalaan halos lahat ng kinikita niya sa trabaho. Every money counts for her.
Magtatapos ng alas syete ng gabi ang kanyang shift sa trabaho. At kadalasan pa ay alas dose na siyang nakakatulog dahil sa mga assignments niya.
Kristory had the choice to live her life. She don't have to live like this, but she chose to. She just thought living alone like this is better than living with people who'll only remind and cause you pain.
Alas sinco pa lang ay nagising na si Kristory. Gaya ng ginawa niya kahapon ay tiningnan niya ulit ang singsing sa isang unan kung saan niya ito itinago. Kahit palaisipan pa rin sa kanya kung paano 'yon napunta sa kanyang short, iningatan niya pa rin ito. Kahit gipit sa pera, wala siyang planong isangla ito. Alam niyang napakaimposibleng walang tangang nagmamay-ari sa ganitong klaseng singsing.
She hope soon she would find its owner.
On the way to school, usually at the jeep. Aayusin sana niya ang bag niya sa kanyang likod ngunit may nahagip siya sa kanyang paninging isang matangkad at mestizong lalaki na nakasuot ng school uniform na katabi lang niya. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha.
This situation is familiar to her.
Napaawang ang bibig niya. Could it be him? Naalala niya yung nangyari kagabi. Inalok siya nitong makipag-kaibigan! Hindi dapat niya tanggapin ang alok nito.
Naisip niya, mas maigi sigurong gawin na iwasan na lang niya ito at kakausapin na lang niya paminsan-minsan para hindi naman ito maghinala sa ginagawa niya.
Nagulat siya dahil biglang bumaling yung lalaki sa kanya. Iiwas sana siya. But before that, isang mukha ng mestizong lalaki ang nakita niya. Kung ikukumpara mo ito kay Erson, mas moreno ang mukha nito, matangos rin naman ang ilong
Napanguso siya dahil doon.
Pagpasok sa gate ng eskwelahan ay nagulat siya dahil may bumangga sa kanya mula sa likod.
"Oh! Sorry--ayy! Ikaw pala 'yan Kristory?!"
Kristory rolled her eyes. Alam niyang sinadya nitong banggain siya. Two days she've cognized Lauren and she knew she did have that prankish attitude.
"Musta?! Laki ng eyebags ah! May ka-date 'tong boylet kagabi sigurado. Ano? Masyado bang clingy? Mabaho ba? Anong nakakturn-off sa kanya? Sabihin mo dali!"
Naningkit ang mga mata ni Kristory sa mga pinagsasabi nito. She don't like the way she talks.
"Wala akong ka-date," simpleng sagot niya.
"Asus!" Siniko siya nito. "Pa-mysterious effect siya! Oh siya sige! Hindi na ako mangungulit! Besides, I have my own lovelife!"
Gusto niya itong itaboy at tanungin kung bakit napakafeeling close nito. Hindi siya interesado sa mga pinagsasabi nito. But, she don't wanna be rude, somehow.
Nagtiis siyang makinig dito hanggang sa wakas ay naghiwalay na sila at nagtungo ito sa sariling silid-aralan.
Pagdating niya doon, una niyang napansin si Erson na kasama sa mga nagkukumpulang mga lalaki at nagyayabangan sa kanilang mga mamahaling sapatos at nagtatawanan. Tumingin ito sa kanya at nginitian siya. Umiwas lang siya ng tingin dito at nagkunwaring hindi niya ito nakita.
BINABASA MO ANG
Walking With Our Eyes Closed
RomanceWhenever Kristory look out into her window, it's picture of view is changing for almost every year for a reason. To be particular, she's migrating for some time now. She don't settle in a place where she can make friends, relationships, find love, a...