CHAPTER VI Captain

3 0 0
                                    

Tanghali nako nagising at nakita ko si Maria na buhat buhat si coshy habang nanonood ng TV

"Goodmorning" bati ko

Napatingin naman siya sa tuhod ko at agad ba nagtanong

"Napano yan?" Nakanguso niyang sabi

"Ah wala nadapa lang ako"

"Ba't ka naman nadapa?"

Kinwento ko naman lahat ng nangyari kay Maria at bakas sa mukha niya nag pag aalala

"Bes, sa susunod wag mo nang hahabulin yung ganon baka mamaya may dala pa yung patalim
Tapos madali ka!"

"Yung phone ko bes wala na, yung pic nila Mommy at Daddy andoon"

"Wala na tayong magagawa bes, ipapareport nalang natin sa baranggay yan mamaya"

"Wag na bes, hindi narin naman makikita yon lalo na gabi pa nangyari yon."

Kinuha ko naman si coshy at nilaro ko sobrang namiss ko siya dahil isang linggo akong busy sa school. Isasama kona si Coshy dahil kailangan konang pumasok sa part time ko. Naligo at nag ayos nako inayos kona din yung babaunin niya na gamit at nagpaalam na kami kay Maria. Nagpapartime ako sa isang Milktea shop pag sabado't linggo para may pangbili ako ng Gatas at gamot niya at pumayag naman yung may ari ng store na isama ko siya dahil may stroller naman siya at hindi naman iyakin.

Nakarating na kami sa milktea shop at agad kong nilapag sa stroller si coshy para makapagbukas na ng tindahan. Marami agad ang naging costumer ko at yung iba ay tuwang tuwa pa kay coshy. Binibigyan kolang siya ng pagkain at ng laruan para hindi siya umiyak, padami ng padami ang kumakain sa shop kaya medyo naging busy ako at diko namalayan na nakatulog na pala si coshy. Isang pamilyar naman na boses yung narinig ko

"Isang Oreo Frappe and okinawa milktea and Clubhouse"

Sinilip ko naman agad at tama nga ko si Bry yon at kasama niya si Cevi. Magtatago sana ako ng makita ako ni Bry

"Hi, FK nagpapartime ka pala dito?" Tanong niya

"Ngumiti ako at tumango"

Nakita kong napatingin sakin si Cevi pero umiwas ako ng tingin

Ginawa ko naman agad yung order nila at pinaabot sa crew namin.

Inilabas naman ni Mikee si Coshy sa may dining area dahil baka umiyak na to sa loob ng cashier. Marami ang bumabati sakanya at nakita siya ni Bry

"Oh hi Baby I saw you again" bati niya

Mukhang tuwang tuwa naman si coshy at

"Paaaaaaapaaaaa"

Nagulat ako dahil tinawag nanaman niyang papa si Cevi.

"OMG, she call you papa" said Bry while laughing and looking at Cevi

Kinuha naman siya ni Cevi at binuhat

Hindi naman ako makaalis sa cashier dahil ang daming ginagawa, hindi ko maasikaso si coshy

"How did u know her?" Cevi ask Bry while playing with coshy

"Yung yaya ko dati, siya din nag aalaga kay coshy kasi ulila na daw siya i felt sad for Coshy sobrang baby pa niya"rinig kong sabi niya

"Seriously?" Paninigurado ni Cevi

"Yes, Nanay Rosy told me that she lost her mom while givin' birth to her"

Natapos na silang kumain at si coshy mukhang hindi pa pagod makipag laro kay Cevi, nakisuyo naman ako kay Mikee na kunin na si coshy at baka aalis na yung dalawa.

Because I love youWhere stories live. Discover now