The Royal Chapter 6

2K 124 6
                                    

"A. . . ano po yun sir?" tanong ko sa kanya. I saw him smirk again. But iba yung smirk nya ngayon, yung tipong nagseseduce na para bang dapat ay umoo talaga ako sa kondisyon nya. Parang hindi talaga magiging maganda ang magiging takbo ng pag-uusap namin ngayon ah. Pero yung totoo bakit ang lakas ng dating ng lalaking to. Effortless ang karisma nya eh sana all. Yun nga lang, medyo di pinagpala sa attitude matapobre ang gago eh kainis.

"My condition?" tanong nya na may kasamang mukhang down na down. Sumandal sya sa kanyang swivel chair at nag cross arms. Parang ang ganda ng katawan nya, sigurado ako batak sa gym to. Ano kayang condition nya.

"hmmmm parang mahihirapan ka ata." pagbaback out nya. Muli na sana nyang bubuksan ang laptop nya ng pinigilan ko sya. 

"HINDI PO!" napalakas ang sigaw ko. desperada na kung desperada pero kailangan ko kasi to eh. Kahit anong kondisyon pa yan kung gusto nya mamasukan ako bilang katulong nya ay gagawin ko kahit ilang taon pa yan pero wag naman sana lifetime may pangarap din kasi ako sa buhay gusto kong magkalovelife. Uy wag kayo kasi ang sarap kaya magkaroon ng taong masasandalan mo sa lahat ng oras. Mga bagay na medyo naging mailap sa akin. Ganito siguro talaga ang epekto ng paglabo ng samahan ng pamilya namin. Nasasaktan parin ako sa tuwing naiisip ko iyon. Kaya pag ako nagkapamilya (kung magkapamilya man) sisiguraduhin kong magkasama kami sa hirap at ginhawa. Hinding hindi ko hahayaang maranasan ng mga anak ko ang mga naranasan ko. Chos umabot talaga ako sa ganyang level ah.

"Okay, you asked for it. You have to do everything to make my brother make love to you!" sabi nya. Parang medyo malabo yung huling sinabi nya sakin. Malabo ba talaga o sadyang nadala ako sa kaba na aking nararamdaman kaya medyo mas naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso ko kaysa sa mga sinasabi nya pero ANO DAW? MAKE RAG? gagawa lang pala ng trapo eh bakit nag-aalinlangan pa sya kanina. Pero di din kasi ako sure eh, parang nabingi ako bigla.

"Ano po yun ulit sir? parang nabingi lang kasi ako." tanong ko ulit sa kanya. Gusto ko lang kasi iclarify kong tama ba yung make rag kasi parang ang simple naman kasi kung yun lang ang ipapagawa nya kapalit sa hinihinge kong pabor.

"Sabi ko, you should do everything at all means and at all costs to make my brother make love to you." paglilinaw nya. Bakit ang dali dali lang para sa kanyang sabihin yun. Wala man lang signs of holding back. Nakasinghot ba tong lalaki to ng katol o baka naman nasobraan sa vitamins. Ayaw ko na maging mayaman parang may mga sakit sa ulo ang mga mayayaman eh.

WHAT? make love? eh kiss nga di ko pa nararanasan, make love pa kaya. Virgin na virgin pa ako sa mga ganyang bagay eh. Oo may mga nakikita akong mga porn clips sa twitter hehe pati mga viral clips na kumakalat sa fb. minsan nga isa ako sa mga nagppm ng 'pa send'. Pero hanggang doon lang talaga ako at wala pa sa isip ko na makaexperience firsthand.

"Sir sobra naman po ata yan sir! di ko nga na try makiss eh mag make love pa kaya." sabi ko dito at medyo napayuko ako dahil nahihiya talaga ako lalo na sa mga topic na kagaya nito. But, parang wrong move ata kasi nagsmirk sya ng pagkaloko loko huhuhuhu nakakahiya naman yung sinabi ko pwede bang bawiin. Pero totoo talaga ang sinabi ko sa kanya. I was just telling the truth ano ba.

"Well then the deal is over, you should pay the money tonight! it's now or never." biglang sambit nya at tuluyan na ngang binuksan ulit ang kanyang laptop upang ituloy ang naputol na trabaho. Naguguluhan na talaga ako pero hindi parin ako umalis sa kinatatayuan ko dahil pa rin ako kumbinsido ang isipan ko sa naging desisyon ko. Tagaktak na ang aking pawis dahil parang nawalan ako ng kaisa isang option na makakatulong sa akin sa problema kong ito.

Nakita nyang parang hindi parin ako umaalis sa harap nya kaya tumayo sya at naglakad papunta sa direksyon ko. Kinabahan naman ako sa naging asal ni Sir Erickson kaya umatras din ako. Ngunit everytime I walked away from him ay siya naman tong palapit ng palapit sa'kin. It was my last step backwards when he pinned me against the wall. He used both of his arms para ikulong ako sa gitna nya. He stared at me yung parang may hinahanap sya sa kaibuturan ng aking kaluluwa. Ngayon ko mas nakita ng malapitan ang mukha nya. Grabe parang actor sa mga Kdrama. Walang kapores pores. Ang ganda din ng mata nya pero may kung anong nakita ako dito. Parang ang lungkot nya, may pinagdadaanan kaya sya?

"Sir . . . sir . . . ahm wag po . . . " wala sa isip kong sabi sa kanya. Ngumiti ulit sya ng napakaloko. Yan na nga ba eh, nawawala ako sa katinuan dahil sa mga ngiti na yan. Ewan ko lang ba kong dinig na nya ang kaba sa puso ko grabe na talaga ito. Lupa bumuka kana tulungan moko dito.

"You know what . . . you're so beautiful to be born as a man . . . and I really do believe na sisiw lang sa'yo ang pinapagawa ko" pagkumbinsi nya sakin while using that very seductive voice. Parang gusto ko ng matunaw dahil ang lapit lapit lang ng mukha namin sa isat-isa. Hindi talaga ako makagalaw at para bang nanghihipnotismo ang presensya nya. Malapit na ang mga mukha namin pero mas nilapit pa nya ito yung tipong konti na lang ay mag-aabot na ang aming mga labi. I was preparing myself dahil parang ngayon ata ang kaganapan ng first kiss ko. Buong akala ko ay labi ko ang binabalak nyang abutin pero mali ako dahil lumiko ang mukha nya patungo sa tenga ko at may binulong.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" 

Ngayon ay malambing na boses naman ang ginagamit nya. Urgh ba't ba ayaw gumalaw ng mga paa at kamay ko. Gusto ko syang itulak pero wala akong lakas. 

"Vi. . . Vin. . . Rafa. . . Rafael. . .To. . .Torres po" taranta kong sagot sabay iwas ng mukha ko kasi parang di ko na kayang makipagtitigan sa kanya.

"Oh so you're Vin." pangiti nyang sabi. bigla nyang nilapit ang mukha nya sa tenga ko at my binulong ulit sa'kin na syang nagpatindig ng balahibo ko.

"Would you accept my offer? at wag kang mag-alala dahil after nun ako naman ang titikim sa'yo. You know what, I don't really mind."sabi nya sa'kin at binalik ang mukha nito sa harap ko. Nainsulto naman ako sa sinabi nya kaya nagkaroon akong ng lakas ng loob at buong tapang ko syang tinulak.

"BASTOS, mas mabuting makulong nalang ako kesa ibenta ang dignidad ko sa isang walang hiyang kagaya mo." sigaw ko dito. Dali dali kong tinunton ang daan palabas pero natigilan ako dahil tinawag nya ang pangalan ko.

"VIN, I know bibigay ka rin sa huli, I have my connections, remember that!"pasigaw nya sa'kin. But imbes na isaisip ko ang mga sinabi nya ay mas pinili ko nalang itong balewalain at lumabas na ako  sa office nya ng tuluyan.

"Vin, makukulong ka na talaga." sabi ko sa sarili ko. wonderwoman konting saklolo naman dyan.

________________________________________________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Uyyyyy gusto nyo ba si Prince Erickson? hmmmmmmmmmmm excited na ba kayo sa mga susunod na mga pangyayari :) :) :) please vote for this story and also feedbacks narin para naman mas ma energize ako thank you.

Sold to be loved [COMPLETED√] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon