The Royal Chapter 14

1.4K 88 3
                                    

Andito na kami ngayon ni Prince Jordan sa loob ng room namin pero basang basa kaming pareho sa ulan. Nakakahiya nga eh kasi nung pacheck in na kami sa hotel basang basa kami tinanong pa ako nung staff kung ano daw ang nangyari sa boyfriend ko, sus kung alam nya lang kung sino tong kasama to baka mapraning sya. Nakamask pa din kasi si Prince Jordan eh at naka sunglasses para tuloy syang sira hahaha. Hindi talaga biro ang bigat ng lalaking toh grabe para naubos lahat ng lakas ko kakaalalay sa kanya. Mananalo na po akong 'Dakilang Alalay' ng taon. Mahihiya si Cinderella sa pinagdaanan ko sa buhay.

Ngayon pinaupo ko muna sya sa sofa grabe naman parang tulog mantika a ng isang to. Ang lagkit na talaga ng katawan ko dahil naghalo-halo na kasi ang tubig ulan at pawis ko. Inayos ko muna ang mga gamit dito sa hotel. Nakalimutan ko wala pala kaming dalang extrang damit kaya no choice ako kundi ang kunin ang saplot nya sa katawan para mapalabhan sa laundry. Natanggal ko na kasi ang akin at nakasuot na ako ng bathrobe para paghahanda na din para makapagbanlaw na din. Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggal ang suot nitong denim jacket at ngayon at yung white T-shirt nalang ang natira. 

Nako Vin this is your chance samantalahin mo na. Sabat ng malandi kong pag-iisip. Hoy ikaw ha tumahimik ka di kita kinakausap dito kay behave kalang dyan.

Napansin kong parang nagising si Prince Jordan, salamat naman po at nagising sya at ng masabi ko sa kanya lahat ng pinagdaanan ko at ng kahit papano ay makonsensya naman ito. 

"A. . . aray ang sakit ng ulo ko." sabi nya at hinay hinay na bumangon sa kanyang pagkakahiga. Yan kasi #inompamoreJordan. 

"Nako, ikaw kasi Prince Jordan eh, iinom inom kapa di mo naman pala kaya." inis kong tugon sa kanya pero hindi ko naman sya pinagtaasan ng boses kahit ano pang gawin nya at assisstant parin nya ako kaya wala ako sa posisyon na pangaralan siya. Matanda na din sya hano alam na nya ang tama sa mali.

"Ikaw ba nagdala sakin dito?" tanong nya sakin na habang iniikot ang kanyang mga mata sa paligid. 

Hindi po Prince Jordan may kasama ako dito kanina. Kasama ko kanina yung babaeng multo sa the ring at sa the grudge. Nagpatulong kasi ako dahil parang di kakayanin ng katawan ko ang bigat ng katawan mo. Sagot ko sa isipan ko. Syempre di pwede sabihin ng personal baka masapak ako mahirap na.

"Ayh opo grabe nga po parang nagwork out ako ngayon eh. Grabe lang para ngang di ko na maramdaman ang mga braso ko namamanhid na po ata sa kakabuhat ko sa'yo." kalma kong sabi sa kanya yung tipong parang wala lang pero may tama parin. Sarcastic in short.

"Ah ganon ba pasensya kana ha grabe lang kasi yung nainom ko, nadamay ka pa tuloy." pagdespensa nya sa'kin. Hay nako Prince Jordan kung di ko lang talaga kayo crush char lang po.

"Sige, ikaw na una maligo para makapagpahinga tayo." dagdag nya pa.

"Okay. Pero tanggalin mo muna yang saplot mo." malumanay kong utos dito.

"Hu-huh?' naguguluhan nyang tanong sakin.

"Ayh wala po akong ibig sabihin doon" pagkompirma ko naman baka kasi kung ano na ang iniisip nya. 

"Kailangan po kasing malabhan ngayon ang damit natin para may masuot tayo bukas."

"Ahh . . . okay kala ko kung ano na." pailing nyang sabi.  

******

Natapos na akong maligo at naka bathrobe na lang ako. Ang sexy kung tingnan grabe. Hayaan nyo na po ako. Ngayon ko nga lang pinipraise ang sarili ko kaya yaan nyo na mapapagod din ako. Kasalukuyang naliligo ngayon si Prince Jordan. Nasa state ako ng pag-iisip ng kung ano-ano ng mapagtanto kong one king size lang pala ang bed na nakuha namin. Ano ito? So ibig sabihin katabi kaming matutulog wala rin malaking sofa dito na pwedeng mahigaan. Yung kanina lang pero di ka naman makakatulog doon. Kung makatulog ka man ay siguradong magkakastiff neck ka kinabukasan. Di naman kasi to isang 5 star hotel. Ito lang yung tipo ng hotel na kwarto lang talaga at may isang comfort room. Nako po parang kinakabahan ata ako ngayon eh.

Sold to be loved [COMPLETED√] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon