Chapter 2

92 3 0
                                    

Kieth POV

Anong ginagawa ko ngayon?

WELL heto nag-aantay ng masasakyang jeep. Sa kasamaang palad punuan lahat, panu tinanghali na ako ng gising dahil sa dalawang kadahilanan. Una ang pag-iisip ng paraan kung panu ko masusugpo ang kasamaan sa mundo. At higit sa lahat kung panu ko maipapasa ang mga subject ko, ngayong hindi pa ako kumpleto sa mga requirements ko.. HUHUHU naman 

At heto pa mukang malelate pa yata ako sa first subject ko.. Halos harangin ko na lahat ng dumadaang jeep makasakay lang ako, kso wala talaga.. Bat ganun ang buhay.Kung kaylan ka nagmamadaling makasakay tsaka naman walang masakyan, pero pag hindi kaylan tsaka naman madami ang jeep na dumadaan..Hay buhay parang LIFE...

Ammp... Mapipilitan pa yata akong maglakad papasok.. Este Tumakbo pla..Takbo lang ako ng Takbo. Pag nakaramdam ng pagod babagal ng konti yung takbo, pero pag naalala kong late na ako mapapatakbo ulit ako ng mabilis. Kung kasama kung lang sila Flash at Road Runner sa pabilisan ng pagtakbo, tiyak na ako na ang first place.. Kya pagdating ko ng school ei, mahihiya ng lumabas sa TV ni Sadako sa sobrang gulo ng buhok ko..

At nung sawakas na kadating na ako sa tapat ng classroom, naabutan ko yung Prof ko na naglilession pa. Kaya dahan dahan akong pumasok. Pero nagulat ako ng lahat sila nakatingin skin, ewan ko ba kung dahil ba sa late ako o sadyang sobrang gulo lang talaga ng buhok ko ngayon. O yung fact na nahinto rin sa paglilession yung prof namin, dahil skin.. Aw yari na mukang galit na yung prof. kung nakamamatay lang yung tingin tiyak dead on arrival na ako ngayon. 

Me: Ahm sir sorry I'm late. Kasi po tina.....

Prof.: Get out of my class NOWWWWW.... 

Aw naman hindi man lang ako pinatapos sa paliwanag ko kung bakit ako nalate.. Hindi man lang nya naappreciate na pinilit kong tinapos yung project ko kagabi, kahit wala naman talagang  kinalaman yung reaction paper sa Rizal's Life. Anong gusto nyang ireact namin na "Wow sobrang gwapo pala ni Rizal kaya marami syang naging girlfriend" o " Ahuhuhu ang sad naman na namatay pala yung anak ni Rizal". Tsaka nasayang lang lahat ng effort ko sa pagtakbo para lang humabol sa klase nya, tapos palalabasin lang ako. Tinitiis ko na nga lang pumasok sa klase nya kahit wala naman talaga akong natututunan, ako na nga lang ang bukod tanging studyante nyang nakikinig kahit na minsan feeling ko bababa na yung talukap ng mga mata ko sa sobrang nakakaantok nyang lession. Tapos dahil lang late ako ng 15 mins. sa klase nya ei ganito na lang ang matatanggap ko. Pag sya nga nalalate ng 15 or kahit 30 mins. pa ei hindi kami nagrereklamo, minsan yung prof pa galit ksi ang tagal matapos yung pinapagawa sa inyo. Yung totoo po, kau na nga po yung late kau pa po yung galit... Hay naku nasan ang katarungan?

Balik tau sa kwento. Heto ako ngayon bagsak ang balikat na lumabas ng classroom. At dahil nga pinalabas ako ng prof ko, ei sa may park na lang ako ng school pumunta.. Bukod sa tahimik dito ei walang masyadong taong dumadaan ksi nga class hour pa lang ngayon, at wala na halos pumupunta dito kasi nasa parteng likod na sya ng school.. 

Hayst.. Ang sarap ng hangin dito ang presko, at yung mga halaman ang ganda pagmasdan.. Hmmp ang sarap tuloy matulog tutal naman mamaya pa naman yung sunod kong klase ei, iidlip lng muna ako saglit. Late na kasi talaga ako nakatulog kagabi kakaisip sa mga bagay na kaylangan kong gawin ei..

ZZzzzzzzzzz..........

--------------------------------------------------

Itutuloy...Goodnyt..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PESTENG DAREWhere stories live. Discover now