Chapter 7

1.8K 31 0
                                    

ANECETA woke up with a sudden jolt in her head. paano ba naman hindi sasakit ang ulo niya? magdamag na siyang naglaro ng mobile legends at halos madaling araw na ng siya ay matulog.

Malalakas na katok mula sa pinto ng kanyang kwarto ang nagpabangon kay Aneceta sa kama.

"Ma! alam kong ikaw yan. sandali lang." sambit niya at pupungas-pungas siyang naglakad patungo sa pinto ng kanyang kwarto.

Pinihit niya ang door knob ng pinto at bumungad sa kanya ang kanyang ina at kasama nito ang nakakatanda niyang kapatid.

"Kuya? bakit kasama ka ni mama?" nagtataka niyang tanong sa kanyang kapatid.

"Bakit? masama bang bisitahin kita? may lalaki ka bang kasama dito ha? necnec?" sunud-sunod na tanong nito sa kanya.

"Ano ba Nimrod? tinatakot mo na naman yang kapatid mo eh. kaya hindi na yan nagkaroon ng boyfriend." pangsosopla ng kanyang ina sa kuya niya.

Sa halip na maasar sa pagiging over protective ng kanyang kuya ay mas natuwa pa siya. sino bang hindi magiging maligaya kapag may kapatid ka na nag-aalala ng sobra sa iyo?

"Maghilamos ka muna ang bantot mo na." sambit nito sa kanya at tinakpan nito ang sariling ilong at animo'y nababahuan talaga ito sa kanya.

Tinatamad siyang naglakad patungo sa banyo at doon naghilamos ng mukha. pagkatapos niyang maghilamos ay nagtungo na siya sa kusina kung saan komportableng nagkakape ang kanyang ina at kuya.

"Mama, bakit naman ang aga niyong pumunta dito?" tanong niya sa kanyang ina.

"Ma tingnan mo oh, ayaw ng binibisita natin siya ng ganitong oras. baka may bisita kaya ayaw tayo papuntahin dito." pang-aasar nito kay Aneceta.

"Nimrod!" suway ng kanyang ina sa kuya niya,

Natatawa namang inirapan ni Aneceta ang kapatid at tumabi siya ng upo sa kanyang ina. "Ma, pwede niyo naman akong bisitahin eh. pero wag naman sobrang aga." sabi niya at hinaplos haplos ang braso ng kanyang ina.

"Napadaan lang naman ako anak eh. itong kuya mo talaga ang bibisita sa iyo." wika ng kanyang ina at itinuro nito ang kuya niya.

"Kung ganoon ma, saan pala ang punta ninyo?" naiintriga niyang tanong dito. saan naman maaaring pumunta si mama ng ganitong oras?

"Magsu-zumba kasi kami nina amiga, eh' yang kuya mo niyaya ako na pumunta muna dito." sabi nito at umiling-iling pa.

Zumba naman pala.

"Anong oras ba mama ng zumba? maya-maya ay alas siete na nandito pa rin kayo." sabi niya at tumayo siya mula sa pagkakaupo upang lumapit sa lagayan niya ng mga gamit sa kusina.

"Ngayon na nga eh. pag ako nahuli sa session malilintikan ka talaga sa akin Nimrod! ihatid mo ako sa labas at ayaw kong abutin ng tanghali!" wika ng kanilang ina at iniangkla nito ang braso sa braso ng kapatid niya.

Hindi na naman nakaimik ang kuya niya sa sinabi ng kanilang ina. maluwalhati nitong inihatid ang ina nila sa may labas at maya-maya ay pumasok na ulit ito sa apartment niya.

"Kamusta ka na necnec?" tanong nito sa kanya.

Sanay na si Aneceta na tinatawag ng kanyang kuya na necnec. ang dahilan kung bakit ganoon ang tawag nito sa kanya? yun daw ay dahil mahilig siyang magsabi ng "neknek mo" noong bata pa siya.

"Maayos naman kuya. ikaw?" balik niyang tanong sa kanyang kapatid.

"Mabuti din naman. hindi ka ba nagkakape pag umaga?"

Binalingan niya ng tingin ang kanyang kuya. "Nagkakape. ito na nga oh, magtitimpla na." sabi niya at naglagay na ng kape sa tasa.

Maglalagay na sana ng asukal si Aneceta pero hindi niya mawari kung bakit hindi niya malaman ang pagkakaiba ng laman ng dalawang garapon!

Please Remember Me ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon