Chapter 6

2K 30 1
                                    

TAHIMIK na sumisimsim ng kanyang machiatto si Night sa loob ng isang coffee shop habang nakikinig sa mga sinasabi ng kanyang kapatid na si Light.

"Is it really possible?" tanong ng binata sa kapatid nito.

"Oo nga kuya, posible talagang mangyari iyon." sagot naman ni Light sa kanya.

Nakipagkita siya sa kanyang kapatid upang humingi ng payo at paliwanag dito tungkol sa sinasabing sakit ni Aneceta sa kanya.

"Kahit hindi siya matanda, maari talaga iyon?" nagugulumihang tanong niya sa kanyang kapatid.

Napahilot si Light sa sariling sentido at iritado na ang mukha ng dalaga ng muling sinagot ang tanong ni Night. "Kuya, may dalawampung beses mo na yata akong natanong. unli ka? unli?" sarkastiko nitong wika kay Night.

"Pasensya ka na." paghingi ng paumanhin ni Night sa kanyang kapatid. "hindi lang talaga ako makapaniwala."

Bahagyang ngumiti kay Night ang kapatid niya. "I understand your situation kuya." sabi ni Light at tinapik ang nakapatong na kamay ng kapatid sa ibabaw ng mesa. "Pero alam mo kuya, nakakaawa yung babae na sinasabi mo."

Nagtaas ng isang kilay si Night ng dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala naman. ano lang--"

"Ano?" pagputol ni Night sa sinasabi nito.

"Paano kung pagbigyan mo ang kahilingan niya? I mean, dadating din naman ang araw na makakalimutan ka niya. hindi naman siguro masama na pagbigyan mo ang hiling niya diba?" hindi siguradong tanong ni Light sa kanyang kuya.

Nanlaki ang mata ni Night sa tinuran ng kanyang kapatid. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"

Umiling si Light bago nagsalita. "Hindi kuya, pero kung gusto mo lang naman eh."

"Ayoko." sabi ni Night at may pinalidad ang boses ng binata.

"Ayaw mo naman pala eh. edi, iwasan mo na lang siya kuya." sambit ni Light at hinati nito ang cheese cake sa plato na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Hindi na tumugon si Night sa sinabi ng kanyang kapatid. Paano niya ba maiiwasan si Aneceta? ganoong iisang lugar lamang ang kanilang ginagalawan?

"Kuya?" pukaw sa kanya ni Light.

"Ahmm?"

"Wala ka bang pasok ngayon sa ospital?" tanong sa kanya ni Light.

Napatayo ng mabilis si Night mula sa pagkakaupo sa upuan. "Shit! I forgot." pagmumura niya. "I have to go." pagpapaalam niya sa kanyang kapatid at mabilis siyang nagmartsa papalabas ng coffee shop.

MAY kalahating oras ang ginugol ni Night bago nakarating sa ospital. hindi niya kasi ulit ginamit ang kanyang sasakyan. his reason? ayaw niyang magtaka ang mga katrabaho niya kung bakit may Bugatti siya.

Upang hindi mahalata na late siya, ay mabagal na inihanda ni Night ang pagkain na dadalahin niya sa kwarto ni Kramazov.

"Late ka?" tanong sa kanya ng head nila.

"Hindi. natagalan lang ako sa paggawa ng pagkain ng pasyente kaya hindi na ako nakapaglog-in sa log book." pagpapalusot niya at mukha namang naniwala ito sa kanyang sinabi.

"Bakit hindi ka naka-uniform?" pagusisa muli nito sa kanya.

"Ahh, nakalimutan ko kasing maglaba." pagpapalusot niyang muli.

"First warning mo na ito. sa susunod dapat nakasuot ka na ng uniporme." masungit nitong wika kay Night.

Hindi naman na pinansin ni Night ang sinambit ng babae. sa halip ay isinuot na niya ang medicine cap pagkatapos ay nagtungo na siya sa kwarto ni Kramazov habang dala-dala ang tray ng pagkain na para dito.

Please Remember Me ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon