Chapter 15

37 6 2
                                    

Summer's POV

"Alam mo ang kaya naming gawin Marita, wag na wag mong gagawin ang binabalak mo."

Napatigil ako sa pagbukas ng pinto dahil narinig ko ang boses ni Tito Fernando, nakaawang kasi ng konti ang pinto kaya kahit alam kong kawalan ng respeto ang ginagawa ko ay nakinig muna ako sa usapan nila.

"Karapatan niyang malaman ang totoo Fernando."

Rinig kong saad ni Lola, sino ang tinutukoy niya?

"Mawawala sayo ang pinaka iniingatan mo kapag ginawa mo yan."

Tungkol saan ang pinag uusapan nila?

Tsaka ano ang mawawala kay Lola? O baka naman sino ang mawawala kay Lola?

"Pero Fer--"

"Summer? Bakit hindi ka pa pumapasok?"

Gulat kong nilingon si Tita Shaina at kinakabahang napaiwas ng tingin bago tuluyang pumasok.

"Apo? Kanina ka pa ba diyan sa pinto?"

Umiling lang ako kay Lola bilang sagot at inayos ang mga dala ko.

"Summer? Tutal ay nandito ka din naman, gusto sana naming ipagbigay alam sayo na kapag nakalabas na ang Lola mo ay sa bahay na namin kayo titira."

Nakangiting saad ni Tita Shaina habang nakahawak sa braso ni Tito na nakatingin naman kay Lola kaya napatingin din ako kay Lola.

"Salamat po, pero kaya naman po namin ni Lola sa bahay."

Mahinahong saad ko tsaka tumingin kay Tita Shaina.

"We're just worried about your grandmother's health kapag wala siyang kasama sa bahay dahil nasa skwela ka."

Dagdag niya pa, napatingin naman ako kay Lola.

"And I'm sure papayag din naman ang Lola mo na tumira kayo kasama namin sa bahay. Tama ba, Marita?"

Nakita ko kung paano lumunok si Lola at napaiwas ng tingin sa kanila bago tumingin sakin ang hinawakan ang kamay ko.

"T-tama sila apo, m-mas makakabuti kapag sa kanila muna tayo."

Napabuntong hininga na lang ako bago tumango.

"Wag kayong mag alala Summer, ipapalinis naman namin yung bahay niyo every week para mapanatili yung kalinisan para naman anytime pwede kang pumunta doon."

Hindi na lang ako nagsalita at binantayan na lang si Lola, umalis na din kasi sila pagkatapos ng ilang minuto dahil may aasikasuhin pa daw silang importanteng bagay.

.
.
.
.

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay bumabyahe na kami papunta sa bahay nila Tita Shaina.

Nung na hospital si Lola ay palaging dumadalaw sila Austine at Shrizelle kaya naman ay hindi ako na bobored at madami din naman akong natutunan habang nasa hospital dahil nakikipag usap ako sa nurse tungkol sa course ko at sa trabaho niya.

"Apo? Ayos ka lang ba?"

Agad akong lumingon kay Lola ng maramdaman kong tinapik niya ako.

"Bakit po La?"

Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at umiling tsaka hinaplos ang pisngi ko.

"Nandito na tayo apo, basta ipangako mong palagi mong tatandaang mahal na mahal ka ni Lola, okay?"

Summer's Fall Book I (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon