Chapter 17

40 7 2
                                    

Summer's POV

"Babye Summer! Ingat ka!"

Kumaway lang ako kay Shrizelle habang nakangiti. Uwian na kasi namin kaya heto ako ngayon sa field.

Uuwi na nga sana ako pero naalala ko yung sinabi kanina ni Austine kaya naghintay ako sa field, nag text na din kasi ako sa kanya na dito na lang ako maghihintay sa kanya.

"Summer! Sorry na late ako, ang tagal kasi kaming pauwiin ng prof namin."

Ngumiti lang ako sa kanya, napansin ko namang puno ng pawis ang mukha niya kaya kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung noo niya.

"Ayos lang naman na late ka, ang mahalaga naman ay dumating ka pa din."

Nung wala akong narinig na sagot galing sa kanya ay napatingin ako sa mukha niya at kusang tumigil ang kamay ko sa pagpunas ng pawis niya at nahihiyang binaba yun.

"S-sorry, a-ano kasi... p-pawis na pawis ka k-kasi..."

Mahinang saad ko habang nakayuko dahil sa hiya.

"Summer..."

Inangat ko ang tingin ko at natigilan ng maramdaman ko ang mga bisig niya na pumulupot sa bewang ko.

"A-austine..."

Mas humigpit ang yakap niya ng tawagin ko ang pangalan niya.

"Kahit 5 minutes lang... let me hug you like this Summer."

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang siya.

"Thank you..."

Kumalas na siya pero hinawakan niya ang balikat ko at tumitig siya sakin kaya kumunot naman ang noo ko.

"Ah... Austine? A-ayos ka lang ba?"

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sakin kaya umiwas ako ng tingin dahil naiilang na ako.

"Second year college, you were wearing white shirt, jeans and a glasses. Simple yet you caught my attention. I thought it was just a simple admiration but months had passed, I always saw you in the library, reading books and helping the professors who needs your help. I admire you for that. Third year college, I tried to get you off my mind and I thought I succeeded but I was wrong. Fourth year college, you became my cousin's friend, I was happy because finally, I'll have the chance to meet you and I did. We became friends, but I want more than that Summer."

Is he...confessing?

No... it can't be...

"You're...joking...right?"

I tried to laugh but I failed because I saw the sincerity and pain in his eyes.

"I... l-like you. No... I mean... I ... I love you... Summer."

Natulala ako dahil sa sinabi niya at Hindi malaman ang gagawin...

"I...ah...I... A-austine..."

Ngumiti siya dahil sa reaksyon ko at niyakap ulit ako.

"No need to answer me now Summer, gusto ko lang malaman mo na you are worthy to be love... because I am a living proof that what you said about yourself is not true... because I am here... loving you...as who you are."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya at napayakap na din sa kanya.

"Thank you... thank you Austine..."

Kumalas na siya at ngumiti tsaka hinawakan ang kamay ko at giniya ako papunta sa parking lot.

"Hatid na kita."

Summer's Fall Book I (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon