"Baka matunaw siya."
Bumalik lang ang ulirat ko dahil sa biglang pagsasalita ng kaibigan kong si Lesley.
"Baliw. 'Di naman siya matutunaw. Baka ako ang matunaw." Pagbibiro ko.
"Sus. Tatawa tawa ka diyan! If I know, totoo naman."
Napapailing ngunit napangiti nalang ako bilang tugon. Kilalang kilala talaga ako ni Les. Kasalukuyan ko lang naman tinititigan ang ultimate crush ko na si Jax.
Elem days..
"Magnanakaw yan. Kinuha niya yung sticker note mo sa bag mo, Angel." Nalilito man, pero napatingin siya sa gawi ko.
"T-totoo ba, Roux?"
"Hindi.. Hindi ko yan magagawa, gel."
Biglang sumingit na naman ang nagparatang sakin na si Ashie, "don't deny it, Roux! I know it's you!" Galit na sabi niya.
Naramdaman ko nalang ang isang butil ng luha sa aking mata. Masakit! Bestfriend ko si Angel, pero the way she look at me, confusion ang nakikita ko. Alinlangan, na may part sa kaniya kung maniniwala o hindi sa sinasabi ni Ashie.
"Then let's see.."
Nabigla nalang ako na biglang kunin ni Ashie ang bag ko na walang pag-papaalam, at binuksan ang zipper nito at ilaglag lahat ng gamit ko.
My eyes widen. N-no...
"See?" Ngisi ni Ashie, at binalingan si Angel.
Napalingon ako kay Angel. Nagulat ako sa pagsampal niya sa akin.
"H-how.. How could you do this to me, Roux? Pinagkatiwalaan kita. You're my bestfriend and yet, you're doing this to me? H-how dare you!"
"A-angel, alam mo na hindi ko magagawa yun sayo." Kahit gusto ko humagulgol ng iyak ay pinilit ko lakasan ang loob ko na magsalita ng diretso.
"How dare you!" Sigaw sabay susugurin ako ni Ashie. Napapikit nalang ako at inantay na bumalatay ang palad niya sa pisngi ko, pero ilang segundo ang inantay ko at wala ako naramdaman. Parang biglang huminto ang puso ko, kaya unti-unti kong minulat ang mata ko.
Nakita ko ang bulto ng isang lalake sa harap ko, pigil hawak nito ang kamay ni Ashie na dapat pupunta sa pisngi ko.
"S-stance?" Takhang tanong niya. Pero agad din nakabawi, "What are you doing?! Get your hands off of me!"
Pagmamaktol ni Ashie, pero habang tumatagal lalong mahigpit ang hawak sa kaniya ni Stance.
"Didn't I'll be the one who'll asking that question? What are you doing?" Kalmado pero cold na tanong niya kay Ashie.
"D-duh! Of course, I'll slap her hard!"
"If I were you, stop that, Ashie. Habang pinagbibigyan pa kita."
Medyo natakot naman si Ashie, kaya unti-unti niya itong ibinaba at umalis kasama ni Angel.
Tinulungan naman ako pulutin ni Stance lahat ng gamit ko at nang matapos niya itong pulutin ay nagulat ako ng nakangiti siyang naharap sa akin.
"Hi. I'm Stance Maximus, sa kabilang section niyo lang ako."
Nagugulat man sa inaasal niya ay tinugon ko ito.
"Hello, Roux Lejandro" Tumango lang siya.
PAGTAPOS NG nangyaring iyon, ay naging close kami ni Stance. Lagi niya ako sinasamahan kapag breaktime, kapag may mga subject ako na hirap sagutan ay siya ang tumutulong sa akin. Kumbaga naging male bestfriend ko siya. Ayos din ito, narealize ko na kapag lalaki ang kaibigan mo, hindi mo kailangan maging plastik sa nararamdaman mo. Mas nailalabas mo ang tunay na ikaw. Hanggang sa mag Highschool kami, lahat ng paghihirap ay siya ang kasama ko.
—
"Roux!"
Agad naman ako bumalik sa kasalukuyan at napabalikwas ako sa pagtawag ni Lesley. Napalingon ako dito, "B-bakit?"
"Rouxy!" Kilala ko ang tumatawag nun. My eyes widen na papatakbong palapit sa amin si Stance.
"Tulalang-tulala te? Alam ko naman na gustong gusto mo si Staa—hmmmppp!" Tinakpan ko kaagad bibig ni Lesley. Sarap mo tirisin, Lesleeeyy!
"Uh? Roux? Mukhang hirap na hirap na si Lesley."
"Shhh! Wag ka magulo, ingay mo talaga Lesley kapag ako nabuko ni Stance at nalaman niyang gusto ko siy—"
"Gusto mo ako?"
Napahinto ako.
Huh? May sinabi ba ako? SHOCKS!
Dahan dahan ko binitawan ang kamay ko sa bibig ni Lesley na ngayon ay nakangisi na sakin, sinamaan ko lang ito ng tingin pero ang gaga abot tenga ang ngisi. Pero yung kabog ng puso ko ay dinig na dinig ko na.
Dahan akong pumihit paharap kay Stance at inangat ko ang tingin sa kaniya dahil nakaupo ako at nakatayo siya. Napatayo ako bigla.
"Ah.. Uhm.." Napalunok ako. Shit! Tanga mo naman Roux!
Ngumisi naman si Stance.
Bigla ko tuloy binasa ang labi ko, sobrang tuyo na iyon. Sa kabog ng dibdib ko ay hinila ko siya hanggang sa mapunta kami sa lilim ng puno ng mangga.
"Uhm, Stance.. Ano kasi" Sheyt! Diko matuloy sasabihin ko.
"So totoo ba yun?" Kalmado lang ang tanong niya pero di ako makatingin ng maayos sa kaniya. Kaya napapahiyang tumango ako sa kaniya. Pumikit ako dahil diko alam kung kakayanin ko ba ang reaction niya. Pero dahil matagal ay tinignan ko siya.
Nakatingin lang siya at nakangiti. Ano ibig sabihin non?
Mukhang di naman ako reject diba? Hehe. Sa kabang nararamdaman ko, ay napasabi ako nang, "kapag stable na tayo sa mga buhay natin, gusto kita maging asawa."
Ngumiti naman siya, my eyes widen with hearts. Feeling ko ay pumapayag siyaaaa!
Ang bata man tignan pero bigla ako nag pinky promise sa harap niya, medyo na stunned pa siya dahil sa ginawa ko, pero ngumiti siya at nakipag pinky finger promise din siya. At hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi.
"I will marry you, Roux. Promise."
A/N: So sana nagustuhan niyo ang unang patikim sa story nila Stance at Roux. Hihi! 😜