Prologue

33 0 0
                                    

Flashback sa lahat ng kasal na nangyari sa magbabarkada...

Unang kasal na naging maid of honor ako ay yung kay Karmin. Siya yung Aphrodite ng barkada, kung k-pop group kami, siya na ata ang "face" namin at mas expert pagdating sa mga relasyon-relasyon na yan.  Sa barkada namin, siya kasi naunang magkaboyfriend- highschool pa lang kami. Hayyy, those days na gusto mong balikan, kaya, expected na siya na talaga mauuna. ha ha ha. Moving on, dahil doktor si Min ay doktor din syempre ang nakatuluyan niya,  si Ivan, ang natirang matibay hanggang sa huli at siya ring naghatid sa kanya sa altar kung saan lahat kaming apat na barkada niya "Maids of honor", char lang diba? 

Sumunod na ikinasal itong "baby" ng grupo kahit siya ang pinakamatanda, di naman kasi obvious, mukha pa nga akong matanda ehh zzz- si Issa, ang isa pang doktor kong barkada (oh diba, andami kong libre sa ospital neto!) at ang music lover ng barkada na mukhang si Taylor Swift at napakaloyal sa highschool crush niya. Siya na talaga, ke ke ke, so, syempre sila ng loyal niyang crush ang nagkatuluyan sa huli at this time, tatlo nalang kaming Maids of honor >.< Matirang matibay mga te?

Tapos, si Belle naman na ubod ng standards kapag lalaki ang pinag-uusapan ang sumunod na rumampa sa simbahan. Grabe sa standards tong bespren ko na to, hmmm, kaya ayun, sa opposite ng ideal man niya napunta. ha ha ha. Pero infairness, ang pangit ng standards niya at napunta siya sa napakagwapong DJ ng aming henerasyon,  kalookalike ni Daniel Padilla, mahiya naman tayo.  At sa ngayon, dalawa nalang kaming natira. -_- Trip to Jerusalem lang ang peg.

 At the present time, three years later nang ikinasal si Min, naghahanda na naman ako para sa kasal ng bespren kong si Kai. Ito yung denial queen kong kaibigan na isa rin naman talagang celebrity, singer by profession but of course licensed CPA. Haynaku,  hala deny pa ng deny, mahal na mahal niya pala ang dating crush niya nung highschool na kung makadeny at lait nito ay wagas at sagad sa buto ay sila rin ang nagkatuluyan ngayon,  ikakasal na nga ehh. -_- So? Ako nalang ang natira, survivor of the fittest, single since birth na maid of honor for the fourth time. In demand lang siguro ang peg ko, daig ko pa si Katherine Heighl sa 27 dresses niya, may 29 na ako nuh, counted pati yung bridesmaid lang ako sa mga barkada ko ring sina Mj, May, Niks, Ush, Keesh, Ces, Ez, Dane, Ying at iba pa.

Single at 29? So what? Mga pari at madre nga nabuhay ng ilang taon kahit walang kinakasama noh, pano pa kaya ako? Syempre kaya kong sarili ko at lahat nagagawa ko ngayon kahit mag-isa, I don't and won't need any man to complete me. (oooz?)

But of course di naman ako sagad sa langit kung makabitter, sa panahon natin ngayon, naniniwala pa rin naman ako sa forever, hindi lang si James Reid, okay? Masaya na?

Eh aba syempre andyan pa rin naman ang mama at papa ko, haler? Ano tawag nyo sa kanila? 

"Kaya ikaw, maghanap ka nang lalaking matino-" sabi ng mama ko na agad ko namang dinugtungan. Kung one million times infinity mo nang naririnig ang mga WOW o words of wisdom niya, may amnesia ka kung di mo yun maalala.

"Matino, may layunin at ambisyon sa buhay, matalino at mabait, yung tulad ng papa mo-" ani ko sabay tingin kay papa with a sarcastic smile

"Eh gusto mong si papa nalang pakasalan ko ma? Kung patay na si Maria Clara, mas nauna na sa ilalim ng lupa si Crisostomo Ibarra!", sumbat ko sa kanya at agad naman niya akong sinapak sa ulo

"nauna ngang namatay si Romeo kesa kay Juliet eh..." pahina kong dagdag

"Hay nako, kaya ka ganyan kasi yan yung iniisip mo! Anong tingin mo sa ibang mga magulang? Wala nang pake at hindi matino na nagpapalaki ng mga lalaki nilang anak?!?!?!" ,putak na naman si mader dear habang tahimik lang ang papa ko- as usual. They're a match made in heaven nga ehh, oo na sila na, opposites do attract nga rin naman talaga.

"Wow! Anong taon na ngayon? Ma, hindi na 1950's o 1960's, liberated na lahat ng tao, babae na ngang nagpopropose ngayon eh!"

Hmm, in fairness naman, may point nga ang mom ko, I kinda stereotyped every guy out there but nonetheless, a guy will always be a guy and that treacherous cheating soul is innate (kahit nga sa mga kalahi ni Eba pwede rin)!

.....................................

"Starr? how do i look?" tanong ni Kai nang lumabas ito sa dressing room,  nakasuot ng puting gown na punong-puno ng diamonds, hawak-hawak niya ang kanyang bouquet, ang ganda-ganda niya, napakablooming at mukhang masayang-masaya.

"Ang ganda-ganda mo Kai. I'm so happy for you.",  tanging nasabi ko habang nilapitan ko siya at niyakap

"This is it girl! Wish me luck!" sabi niya nang nakangiti at kitang-kita sa mga mata niya ang excitement

Tinawag ng organizer si Kai at pumasok na muna ito para magretouch. Ano ba tong nararamdaman ko, ba't hindi ako mapakali? Biglang nagslow motion ang lahat. Lumingon-lingon ako sa malaking kwarto, ako nalang pala mag-isa. Ako na lang....mag-isa. Dumating na ata ang panahon na hindi ko inakalang darating. :/

Nagsimula na ang kasal, at this time, solo rampa akong naging maid of honor, ako lang mag-isa ang naglakad patungo sa altar. Nang bridal walk na, hindi ko mapigilang mapaluha, nakita kong napaluha ang bespren kong bride, pati yung iba kong barkada katabi ng mga mister nila samantalang ako katabi ng flower stand. >.< Ayos diba?

Nang sa reception na, kanya-kanya kaming nagbigay ng mga mensahe sa bagong kasal. Medyo malungkot this time kasi ako nalang mag-isa sa table. huhuhuhu. At ako ata ang pinakamatanda in all fairness ha. Nang oras na para sa mga games, pinatayo kaming lahat na kasali sa entourage. Ughh, am so stressed, too old for this! Kaya naman hindi ako tumayo but then...

"I would like to request my best friend Starr to join this game. Wag KJ girl, join na!" sabi ng bride at napatawa naman ang lahat. Well, the spotlight was on me so I was left with no choice. I got up and joined the game syempre. It was a blindfold game, kaming mga babae kailangan nakablindfold habang hahanapin ang mga pins na nakalagay sa damit ng isang lalaki. This is sooo childish pero since kasal ng bespren ko, pipilitin kong wag maging kj. >.< grrr. and so the blindfolding games began...


Ms. SINGGOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon