Part 1

28 0 0
                                    

tumunog ang cute ringtone at agad ko naman itong sinagot. 

"asan ka na bang bata ka ha?!?!?!" sigaw ng mama ko.

"ha? ang aga-aga pa, ang ingay nyo-" 

"anong ang aga, mag-aalas dose na! asan ka ba ha?"

"nasa-" OMG. nakalimutan kong may blind date pala ako ngayon. zzzz. eew, i know it sucks. kasalanan at pakulo to lahat ng butihin kong ina na siyang nagpoproblema kung sino ang makakatuluyan ko. she's really the desperada type, i can still recall that hideous moment kung saan nagsimula ang lahat.-_-

flashback...year ago.

"hindi na to pwede, ikinasal na ang lahat ng bespren mo sa college, last week, si Tin tapos engaged na rin si Belle. hindi ko talaga maintindihan tong ate mo, tubig, tubig! di ako makahinga!" sabi ni mama habang kumakain kami ng dinner

hindi ako kumibo at nagpatuloy lang sa pagkain. lamon dito, lamon doon, eto ang special talent ko kung san talaga akong napakagaling. lahat ng sinabi niya lumagpas lang sa kabilang tenga. as usual, kayo rin, aminin! :p

"ay tsk. tingnan mo nga naman, tingnan mo- tsk. hindi man lang nakikinig?!?! lamon pa nang lamon, tingnan mo nga yang katawan mo! matanda ka na pero utak mo pambata! tubig! tubig! di ako makahinga ulit!" dagdag nito at agad naman akong napatigil sa paglunok ng pagkain at tinitigan siya sa mata

"bigyan nyo yan nang hangin para makahinga at di tubig! ang oa ma, hindi ko nga rin maintindihan kung bakit nyo ko pinoproblema, ba't napunta ang usapan sa kasal-kasal na yan, gusto nyo bang makasal ulit, ha? tsk." sumbat ko sa kanya, kakainis kasi ehh, kanina pa ako nagugutom.

"hah, aba tong batang to! tsk. ang ibig ko namang sabihin, wala ka pang boypren hanggang ngayon tsaka wala ka bang plano ha?"

"oo nga, tanda-tanda mo na nuh, ehh wala sigurong may gusto sa kanya, maldita kasi." dagdag ng kapatid ko

"omo, nagsalita ang mabait, bakit? mamamatay ba ako kapag di ako nagkaboypren ha? kung tutuusin, it's all nonsense noh!"

"yaan mo na yan ma, tatanda yang dalaga." dagdag nga maganda kong kapatid. at oo, naunahan pa niya akong magkaboypren, so what, i don't care. >.<

"oh sure, no problemo." sumbat ko.

"hindi- hindi to maaari. alam kong mangyayari to kaya pinaghandaan ko ang lahat. ising!" 

iniabot ng katabi kong si ising ang isang envelope kay mama na agad naman nitong binuksan at ipinakita sa amin.

"tada!!! eto na ang solusyon sa problema natin! blind date para sayo. i've arranged everything so you are going." nagagalak na sabi ni mama

"ano? hi-hindi. ayoko!"

....

blind date 1 >: GRRR

"this is so not happening!!!!" sigaw ko nang pinalabas ako ng sasakyan.

"tsk. be professional, ano ka ba?!?! umarte ka nga ng maayos, parang di kita anak ah. at, wag na wag mo akong ipapahiya."

"i don't need this! ikaw nalang makipagdate dun-" kinurot nya ako sa gilid

"tsk, hindi ko ibibigay ang capital ng cafe nyo pag di ka tumino dyan!"

and so everything became history, nakadalawampung-siyam na blind dates na ako pero wala pa rin. lahat naman sila pasado sa taste ng mom ko pero haler, i'm not her so no-no! well, this time it will be my last kasi matatapos na rin yung kontrata ng mama ko sa dating agency na yun. yuck, as if ganun ako kadesperada tingnan noh. well, my friends know this at syempre eto sabi nila: 

Ms. SINGGOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon