Chapter 11

61 17 1
                                    

Tahimik lang kaming dalawa ni Andrea ng bumaba sa pool area, ramdam ko pa rin ang tensyon sa aming dalawa.

Pagdating namin sa pool area ay nagkakasiyahan na sila. Umupo ako sa tabi ni Gen at nakipagkwentuhan sa kanya. Maingay ang pool area nang dahil sa amin.

Alas dose na ng maisipan naming umahon at magpahinga. " Ako muna ang maliligo " ang sabi ni Jay. Nag-aayos silang lahat ng lumabas ako at magpahangin muna, Nakabalot ako ng towel habang nakatanaw sa madilim na kapaligiran. Unti-unting bumalik sa akin ang nakaraan. 3 years ago. 


Nagbakasyon kaming magkakaibigan sa baguio, actually tumakas lang kami. nagambag-ambag lang kami ng pera para makapag rent kami ng sasakyan papuntang baguio.

Masayang-masaya kami dahil nakatakas kami. Naka off ang mga phone namin at wala kaming kahit na anong communication sa manila. " Grabe! I can't believe na nagawa natin to" Natatawang sabi ni Ann.

Magkahalong kaba, takot, at saya ang nararamdaman namin ngayon, alam naming malalagot at magbabayad kami sa ginawa namin pero bahala na, nandito na kami at wala ng atrasan to.

Tumigil kami sa harap ng isang hotel, ang sabi ni Francine ay mumurahin lang ito kaya siya na ang  nagbayad. Isang linggo. Oo. Isang linggo kami dito. But after this, Siguradong tapos na ang mga kaligayahan namin.

Nang makapasok na kami sa loob ay nagsimula na kaming mag-ayos. Nauna naman kaming matapos mag ayos ni Andrea kaya nakatambay lang kami ngayon sa sala.

Tatlong araw ang lumipas at wala kaming ibang ginawa kung hindi an gumala ng gumala at mag saya.

Isang gabi. Isang gabing nasira ang buhay ni Andrea.

Lumabas kami ni Andrea dahil may pinabibili daw siya. Tanging si Andrea lang ang inutusan niya pero nag kasalubong kami ni Andrea ng palabas na siya at ako naman ay papasok kaya sinamahan ko na siya.

" Ano bang bibilhin mo? " Nagtatakang tanong ko dahil masyado ng malalim ang gabi.

" Snacks daw. Nood daw tayo movie e. " Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.

" Napaka dami nating snacks na dala, bakit pa siya nagpapa bibili?" Ang sabi ko.

" Ha? Ang sabi niya wala na daw kaya nga niya ako pinabili e. "

" Wait lang. Tatawagan ko siya " Ang sabi ko at tumalikod sakanya pero napatigil ako ng marealize kong wala nga pala kaming dalang phone at kung meron man ay naka off ang mga ito..

" Paano mo siya matatawagan e nakapatay nga phone natin. " Ang sabi niya." Hayaan mo na, nandito na rin naman tayo e. " Dugtong pa niya at namili ng mga snacks.

" Sandali lang " Pigil ko sa kanya. " Hintayin mo ako babalik ako at kukunin ko lang wallet ko. " Lumabas ako ng store at naglakad pabalik ng hotel.

Nakita ko naman ang tinutukoy ni Andrea, Nang akmang tatawagin ko na siya ay pinigilan ko ang sarili ko dahil nakita ko siyang may kausap sa phone. Nagtaka ako dahil ang sabi niya ay huwag na huwag naming bubuksan ang phone namin at bubuksan lang namin ito kapag pa uwi na kami.

Nang tumalikod siya ay saka lang ako lumapit para marinig ang pinag uusapan nila ng kausap niya sa kabilang linya.

"U-Uncle.... Opo... Pinapunta ko na po siya. Huwag po kayong mag alala wala pong makaka alam nito " Ang sabi niya, nagtaka ako dahil sa sinabi niya. Uncle? Bakit kausap niya ang tito niya? Iisa lang ang Uncle niya, ibig bang sabihin......

" Opo. Huwag po kayong mag alala nasa hotel po lahat ng kaibigan ko at tanging siya lang ang nasa labas, " Kinabahan ako sa sinabi niya. Tanging si Andrea lang ang nasa labas at hindi niya alam na nasa labas rin ako.

" Wala pong makaka alam tito. Basta pagtapos nito, layuan niyo na ako " Naiiyak na sabi niya.

Binaba nito ang tawag at humarap sa gawi ko. Nanlaki ang mata niya dahil nakita niya ako. 

" A-anong ginagawa mo dito? B-bakit ka na nasa labas? " Ang sabi niya at tinago ang cellphone sa likod niya.

" Sinong kausap mo? Bakit naka open ang phone mo. Akala ko ba hindi tayo mag oopen ng phone dahil baka malaman nila kung nasaan tayo? " Nagtataka at sunod sunod na tanong ko.

" Tsaka bakit kausap mo tito mo? Dib--- " Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya ito.

" A-ano elle.. Kasi nangangamusta lang siya. Siya lang kasi yung sinabihan ko na pupunta tayo dito "

"ANO?! BAKIT MO SINABI SA KANYA? AKALA KO BA WALA NA KAYONG COMMUNICATION DAHIL SA NANGYARI SAYO? " Hindi ko mapigilang magalit dahil sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya? Bakit niya ginawa yun? Bakit kausap niya ang tito niya?

" N-Nangangamusta lang elle... " Kinakabahang sabi niya.

" Sa tingin mo ba hindi ko narinig ang mga sinasabi mo sa kanya? Narinig ko. " Napalunok siya ng dahil sa sinabi ko.

"E-Elle, ang sabi niya papatayin niya ako kapag hindi ko hinayaang makausap niya si Andrea " Nag simulang rumagasa ang mga luha sa pisngi niya. 

" Anong kinalaman ni Andrea dito? Bakit niya gustong maka usap si Andrea? " Nagtatakang tanong ko . " Anong kinalaman ni Andrea sa tito mo? " Tanong kong muli.

"Simula ng makita at makilala nya si Andrea last year sobrang naging obsessed siya dito. Araw araw hindi niya ako tinigilan, kung may boyfriend na ba siya, kung may lalaking lumalapit hanggang sa pag bantaan niya na ako dahil hindi na ako nagsasabi sa kanya tungkol kay andrea. Tapos nangyari nga iyon. Noong makalawa ay pumunta siya sa bahay at pinagbantaan niyang muli ako na papatayin niya ako kapag hindi niya naka usap si Andrea. "

" Kaya sinabi kong nasa baguio tayo at pinapunta siya dito. " Umiiyak niyang sabi.

"WHAT?! PINAPUNTA MO SIYA DITO? NABABALIW KA NA BA? MAPAPAHAMAK LANG IKAW AT SI ANDREA? " Galit na galit na sabi ko.

" Wala akong magawa, papatayin niya ako kapag hindi ko siya pinag bigyan "

 " Nasaan ang tito mo? " Mahinahong tanong ko.

" Kailan sila magkikita? " Tanong kong muli.

" N-Ngayon "

" WHAT?!  BALIW KA NA BA?! NABABALIW KA NA! "  Tinakbo ko ang sa pinag iwanan ko kay Andrea. Kailangan ko silang maabutan. 

Napahinto ako sa pagtakbo ng makita ko si Andrea na naglalakad, gulo gulo ang buhok at nakatulala at umiiyak. Nanghina ako dahil sa nakita ko. H-HIndi.....

Naiyak ako dahil sa nakita ko. " A-Andrea, anong nangyari sayo ? " 

Tinignan niya ako at napahagulgol.  " E-Elle.... Binaboy niya ako " Patuloy lang siya sa malakas na pag iyak. Niyakap ko siya at napa iyak na din.

" Elle, pumasok ka na. Tapos na kaming maligo. " Tinignan ko si Jay na tumawag at tumango sa kanya. Tumingin ako sa malawak na kapaligiran at huminga ng malalim.

" Matatapos din to..... " Pagka usap ko sa sarili ko.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon