Chapter 39

68 2 8
                                    

" Okay.. okay.. to make it short hindi titigil ang killer hanggat hindi nakukumpleto yung kwento, every after 7 years someone from the Special Section needs to die, 7 students to be exact. That's the story right? " Tanong ni Nicole at tumingin sa akin bumaba ang tingin nito sa kamay ko na hawak pa din ni Jerome.

" Tatlo na ang nakukuha niya, dalawa ang patay, ang isa ay buhay pa, ibig sabihin may apat pa... " Pagpapatuloy ni Nicole.

" Are you saying that Chezca's death is not a suicide but a murder? " Tanong ni Myrell.

" Sa tingin mo ba ay may imposible pa sa nangyayari sa atin ngayon? Wala na. Ang babaeng nakaitim man ang may kagagawan ng pagkamatay ni Chezca o hindi may mamamatay pa din sa atin at ayun ang dapat niyong intindihin. "

" Enough with this, let's just take a break kahit saglit lang then we will proceed to planning kung paano tayo makakaalis dito ng walang masasaktan at mamamatay, "
Samara said.

Napatango-tango naman kami sa suhestiyon nito.

Lumapit sa akin si Nicole at ngumiti na parang aso, " Ano yan? Naka glue ba yang mga kamay niyo, ha? " Agad ko namang ipinaghiwalay ang mga kamay naming magkasiklop.

" Hiramin ko muna yung kaibigan ko, ha? " Napaka kamot naman si Jerome ng batok at nginitian si Nicole pagkatapos ay ngumiti din sa akin, nginitian ko naman ito ng tipid.

" Ang bilis niyong tumakbo, ha. Hindi mo man lang kami naisip, " Sabi ni Nicole nang maka punta kami sa pwesto ni Nicole at Andrea.

" Ano ka ba! " Pagababalewala ko dito.

" Sus! " Sabay sabay na sabi ng tatlo.

" Guys, I'm serious, stop it! " Napangiti naman ang mga ito sa akin.

" Oh! Miss mo agad si Elle? Wala pang limang minuto, ha! " Sabi ni Nicole kay Jerome na nasa harapan namin ngayon.

" Nakalimutan ko may sasabihin sana ako kay Elle, eh " Tumingin naman ito sa akin at nagtatanong ang mga mata kung pupwede akong maka-usap.

" Ano ba iyon? " Tanong ko.

" Okay, ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad, ayokong mag iba ang tingin mo sa kaniya lalo na at kaibigan niyo siya, " Napakunot naman ako ng noo sa kaniya.

" Its about Gen, your friend.... " Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan sa sinabi niya. Nagtaasan ang mga balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko, mayroong kakaibang feeling na hindi ko maipaliwanag.

" What about Gen? " Naguguluhang tanong ni Ann.

" Elle.... It's her... I think she's the one who took Jay, siya din yung humabol sa amin... I swear... I'm not lying... maniwala ka, "

" What the fuck, Jerome?! Gen will never do that! Wala siyang rason para gawin ang lahat ng ito! Nababaliw ka na ba? " Ang sabi ni Nicole sa mahinang tinig upang hindi marinig ng iba.

Napatingin ako kay Andrea na nakayuko lang, nakakuyom ang mga palad nito at halatang pinipigilan ang sarili.

Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang mga sinabi ni Jerome tungkol kay Gen dahil silang dalawa lang ni Nicole ang nagbabangayan.

I need to think. Napapikit ako at napahilamos ang dalawang palad sa aking mukha at huminga ng malalim.

If totoo ang sinasabi ni Jerome, kung si Gen nga talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito, anong rason niya?

Si Oli? Kilala ba niya si Oli? Kaya ba hindi niya sinabi kay Prof. Arthur? Dahil ba doon? Sino ba talaga si Oli? Anong papel niya sa buhay ni Gen?

Wala akong natatandaan na naging kasalanan ni Chezca kay Gen para gawin niya iyon, kung si Sophie, pwede pa dahil hindi naman talaga kami in good terms sa kanila pero napaka babaw naman na rason iyon, sigurado akong hindi niya gagawin iyon...

But with Jay.....

Jay was the reason why her bestfriend was already dead, pero imposible namang malaman niya ito!

Isa pa... kasama ako ni Jay, does that mean that I'm next? No! No!

" Ilang beses ko ba sa iyong uulitin na hindi si Gen iyon?! Wala siyang rason para gawin ang lahat ng iyon! Baka namamamalik mata ka lang, " Galit na galit na sambit ni Nicole, bumaling ito sa akin, " Elle! Ikaw nga ang kumausap dito! " Patabog na sabi nito at umupo ngunit hindi pa din nawawala ang matalim na titig nito kay Jerome.

" Elle, I swear! Hindi ba kayo nagtataka sa kaniya? This past few days palagi ko siyang nakikita sa Hallway patungong College Building kahit ipinagbabawal na ang pagpunta doon, "

" Huh! At talagang hindi siya titigil! " Galit na singhal ni Nicole.

" How did you know that it's Gen? At paano ka nakakasiguro na si Gen nga iyon? Napaka imposible ng sinasabi mo Jerome, hindi pwedeng si Gen ang babaeng naka itim," Ako na ang nagsalit at nagtanong kay Jerome.

" I told you, i saw her... no, actually hindi ko talaga siya naki - "

" See! Hindi mo naman pala nakita, e! "

" Nicole! Stop it.. " Pag awat ko sa kaniya.

" Well, I'm not sure kung siya talaga ang may pakana nito o parte siya ng mga nangyayari but i'm pretty sure na sa kaniya ito, " Sabay labas nito ng I.D. sa kaniyang bulsa, kay Gen ito.

" Nakita ko ito sa tapat ng pader papuntang Habitacion Secreta noong gabing nawala si Chezca, remember? Ako ang inutusan niyo para tawagin si Prof. Ramirez, " Pagsasalaysay nito.

" Binalik ko ito sa kaniya noong gabi din na iyon, pero kinabukasan din ay napansin kong hindi niya ito suot hindi ko lang pinansin, but i found it again kanina... sa Habitacion Secreta, " Pagpapatuloy nito.

" Suspicious right? " Napapikit ako ng mata at napayuko, hindi na kaya ng utak ko ang daming nalalaman pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko.

" Elle, huwag kang maniniwala sa kaniya, hindi magagawa yun ni Gen, walang connect, e! Unang-una, bago lang tayo dito, hindi natin sila ganoon kilala tska i believe Gen will never do that thing! Kill? No! Kahit kailan hindi siya gagawa ng ikasisira natin," Nicole was right...

But... Gen already did it.... nasira niya na ang pagkakaibigan nila ni Andrea...

Napatingin ako kay Andrea na nakakuyom ang mga palad....

It was Gen's uncle who raped Andrea...

" Sa tingin mo ba talaga hindi kayang gawin ni Gen iyon? " Puno ng hinanakit na tanong ni Andrea kay Nicole.

Nagulat si Nicole sa tanong ni Andrea pati na din si Ann na tahimik lang na nakikinig sa amin.

" What? " Naguguluhang sambit ni Andrea.

" Hindi na ako magtataka kung parte si Gen sa mga nangyayari ngayon.. " Pagpapatuloy ni Andrea.

Napatingin sa akin si Nicole at nagtatanong ang mga mata nito kung anong nangyayari kay Andrea.

" Hindi mo alam? Wala kang alam! Kaya pwede ba? Huwag mo ng ipagtanggol ang babae na iyon! "

Tuluyan ng hindi nacontrol ni Andrea ang damdamin niya at sumabog na lang siya dahil sa patuloy na pagtatanggol ni Nicole kay Gen.

" Ano bang sinasabi mo? Kaibigan natin iyon! Malamang natural lang na ipagtanggol ko! May problema ba kayo ni Gen? Kaya ka nagkaka ganiyan, ha?! "

Tuluyan na nilang naagaw ang atensiyon ng lahat, nilibot ko ang paningin ko at natapat kay Samara na nagtatanong ang mga mata kung anong nangyayari.

" Elle, ano bang sinasabi ni Andrea? Bakit ba siya nagkaka ganiyan? " Tanong ni Ann sa akin.

" Naniniwala ka ba sa sinasabi ni Jerome? Na parte si Gen dito? Sa nangyayari dito? " Tanong ko. Napatigil naman ito at nag-isip.

" Ang totoo niyan, hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko... " Mahinang sambit nito.

" Magkapatid si Anna at Gen, sapat na dahilan na siguro yun para maniwala ka na baka nga parte si Gen sa nangyayari ngayon, " Binaling ko ang tingin ko kay Ann na nakahawak ang magkabilang palad sa kaniyang bibig at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

" No way.... "






Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon