Chapter Fourteen

8.1K 228 18
                                    

Ang init. Yung totoo. Naliligo na ako sa pawis. Ikaw ba naman maglakad sa NLEX mula umaga hanggang ngaun maghahapon na eh ewan ko na lang kung di ka jabar-in sa sobrang init at pagod.

Dala dala ang mga bagay na kailangan lang namin ay napagdesisyunan namin na mag travel na papunta ng north. Baril, knife, backpack na may lamang damit at kung anek anek pa ang dala dala namin.

Sa kasamaang palad nga pala, yun samurai ko ay nabali nung car crash kaya wala na akong samurai. Huhu. Ginawa ko na lang syang mini samurai. Haha. Badtwip.

"Hanap na tayo ng camp for the night." Sabi ni Kylie na bumasag sa aming katahimikan.

"O-okay." Sagot naman ni Megan.

Tumango lang ako.

Nakahanap kami ng isang bahay na ilang kilometro lang ang layo mula sa highway. Maliit lang ito at gawa sa kahoy. Okay na din dito kesa sa wala diba. Ngaun gabi lang naman ito.

Hindi pa naman lumulubog ang araw ng makarating kami dito sa bahay na to. Sa gilid nito ay may balon at nang tingnan namin ito ay malinis ang tubig. Wala din nahulog na walker hindi tulad ng sa the walking dead. Shems! Kadiri talaga yun episode na yun!

Nag rerefill ako ng tubigan namin ng lumabas si Dylan at tinulungan ako sa pag refill.

Pagkasalok nya ay nagsalita sya.

"Pasensya na kung naging bayolente ako nung isang araw." Mahinang sabi nya.

Yep. Tama. Nung isang araw. Ibig sabihin lang nun, buong araw lang kaming nagpahinga at nagpagaling kahapon. Kayo ba naman halos magpatayan eh, syempre kailangan makarecover diba. Hindi din kami nag uusap na tatlo. Si Kylie lang ang tanging tagapagsalita namin kahapon. Feeling ko nga asar na sya eh.

"Okay lang yun. Naiintindihan ko kung bakit ka ganun." Tumigil ako sa pagsalin ng tubig sa bote at tumingin sa kanya.

"I'm really sorry Dylan. Hindi ko sinasadya." Sabi ko sabay buntong hininga. "Pero di ko talaga mapipigilan ang nararamdaman ko kay Megan. At alam kong ganun din sya." Explain ko.

Bumuntong hininga din sya na sobra pa sa lalim ng balon na ito ang pinaghugutan.

"Naiintindihan ko Ish. Simula pa lang naman na nagkakilala kami ni Megan, alam kong yung first love nya ang mahal nya. At kahit na naging kami na, alam kong hindi pa din sya nakaka move on sa first love nya. Pero pinursue ko pa din sya kaya naging kami." Huminto sya at parang ang lalim ng kanyang iniisip.

"Hindi ko lang natanggap ng nalaman kong ikaw pala ang first love nya. At nakita ko ang singsing sa daliri nya." Lumingon sya sa akin at kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata.

"Inamin nya sa akin ang lahat. Hindi ko ito kinaya dahil sobrang sakit. Kaya nasaktan ko sya. Hindi ko yun sinasadya Ish. Nagulat din ako sa nagawa ko. Pero di ko na mabawi. Kung nakita mo lang sana kung paano nya ako tingnan. Yun mga pinaghirapan ko para makuha sya, ganun lang nawala dahil sa pagwawala ko." Hikbi nya.

Yung totoo. Hindi ko alam kung paano sya icocomfort dahil ako ang dahilan kung bakit sya nasasaktan. Dahil sa selfishness ko, dalawang tao ang nasaktan ko. Shit. Ganun na talaga ako kasama. Hindi na ako magugulat kung isang araw sunduin na ako ni Lucy dahil ipapamana na nya sakin ang kanyang kaharian sa ilalim ng lupa.

"Ish." Pag hugot nya sa aking pagmumuni muni. Tiningnan ko sya at pinakitang makikinig ako sa susunod nyang sasabihin.

"Alagaan mo sya ha. Mahal na mahal ko si Megan. Noon pa man alam kong hindi ko na mapapantayan ang kanyang first love, pero minahal ko pa din sya ng walang pagaalinlangan." Sabi nya.

My Zombie Girl (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon