Chapter Twenty

8.2K 275 44
                                    

Magandang gabi!!

Nakakapagod pala mag pintura ng bahay pati maglinis kwarto sa loob ng isang araw. Kakatapos ko lang nga maglinis eh. Nung oras na takte! XD

Update! update! update!

Weeeee!

Dahil sa makulit kong mga reader na nagsasabing mag update na ako eh kaya nag update na nga ako ngayon. XD

Ang chappy na ito ay para po sa baby ko na tinulugan na ako. Hehe. Ingat po ikaw bukas babe. ;)

Sana po magustuhan nyo ang chappy na ito. Kung may nais kayong sabihin o may bayolenteng reaksyon, isumbong nyo lamang po kay Tulfo. Ahaha.

Comment?

Vote?

Unedited!!! T.T

-Chriss14

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Megan's P.o.V

Ang lakas ng ulan. Sa sobrang lakas ng ulan ay wala ka ngang maaaninag sa labas. Pero wala naman talagang maaaninag dahil gabi na. Ang lamig lamig na ng pakiramdam ko. Basa na ako and to make it worse, wala pala akong dalang extrang damit.

Kumikidlat at kumukulog. Napatakip ako ng tenga sa sobrang lakas ng huling kulog. Seryoso. Natatakot na ako.

I was in the middle of nowhere...all alone...inside my fucked up car.

Nagsimula na akong umiyak sa sobrang takot. Napakadilim ng paligid at ang tanging liwanag na nakikita ko lamang ay nagmumula sa ilaw ng pocket wifi ko na sinasabing lobat na ito.

Kinuha ko ito sa may passenger seat at walang sabi sabing ibinato ko ito ng malakas sa bintana. Nagka gasgas ang salamin ng bintana ng kotse ko at wasak naman ang pocket wifi.

"The hell I care!"

Yun na lang ang nasabi ko dahil naiinis na nalulungkot na natatakot ako ngayon.

Ang malas lang ng araw ko ngayon. Una, nag away kami ni dad kaninang umaga bago ako pumasok sa university dahil magkasama na naman daw kami ni Mischa.

Hindi sya boto kay Ish sa totoo lang. Buti na lang at mayaman ang pamilya nina Ish kaya pumayag si dad nung malaman nyang girlfriend ko sya. Si mom naman walang reaksyon palagi. Hindi ko mabasa kung okay lang ba or hindi sa kanya na girlfriend ko si Ish. As in wala syang kahit anumang reaksyon. NR ba. Haha.

Kung nagkataon siguro na normal na pamumuhay lang ang meron sina Ish ay malamang tumutol na si dad noon pa man. Baka nga ipadala nya pa ako sa New York at dun na mag-aral.

Pinapakisamahan nya lang si Ish kapag dumadalaw sya sa bahay. Kaya nga mas madalas ako sa bahay nina Ish dahil dun, at dahil hindi rin kami talaga nagkakasundo palagi ni dad. Mas boto si dad kay Blake, unang una dahil lalaki ito. Sunod ay dahil sa mayaman din daw kasi ang pamilya nina Blake matapos nina Ish.

Ayun na nga. Pangalawa si Blake, ang mayaman, masugid at makulit kong manliligaw na kahit sinabi ko ng may girlfriend na ako, ay nangungulit pa din at ayaw akong tigilan porket alam nyang boto si dad sa kanya. Ilang beses ko na syang pinagtulakan palayo pero persistent ang loko eh. Minsan naga-away na kami ni Ish dahil sa kanya. Gaya na lamang kanina sa university.

Walang sabi sabi ay bigla na lamang akong niyakap ni Blake mula sa aking likuran para batiin daw ako na syang ikinagulat ko pati ng mga kaklase ko na kasama kong nagmemeryenda sa cafeteria. At sya namang ikinagalit ni Ish ng makita nya ang nangyari.

My Zombie Girl (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon