"Ma'am, nahulog niyo po ata itong maliit m picture ni Senior Santo Niño..." Nagmamadali sana at sinubukang habulin ng pharmacist ang customer pero hindi na niya ito mahabol dahil di niya rin maiwan ang pwesto.
Mistulang nagmamadali rin kasi ang customer na tila ba may hinahabol. Agad nang hinablot ang mga bili nitong gamot na pang maintenance para sa taong may problema sa kidney matapos magbayad. Halos patakbo nga itong tumawid sa pedestrian lane upang marating agad ang kabilang kantong may sakayan ng taxi.
"Para po!" Tagaktak ang pawis nito habang iwinawagayway ang parehong kamay at sinusubukang maka-kuha ng taxi.
Alam niyang pahirapan nang kumuha ng taxing masasakyan sa mga ganitong oras. Idagdag pa ang napakabagal na usad ng traffic. Malamang ay wala na siyang aabutan sa event.
Muli niyang tinignan ang kanyang relo at nakumpirmang malapit na ngang mag alas otso. Doo'y mas naging aligaga pa siya paghahanap ng masasakyan.
"Hay nako sa wakas..." Napawi ang pagkabahala niya sabay punas ng panyo sa tagaktak na pawis sa mukha.
Gumilid ang taxi at huminto sa tapat niya.
"Manong hulog ka po talaga ng..." Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin at akma pa niya sanang bubuksan ang pinto sa may front seat. Napahinto siya nang makitang may nauna na palang pasahero dito.
"Uy nako! Pasensya na po sa abala akala ko po kasi wala pa po kayong sakay." Paghingi niya ng paumanhin sa driver at sa pasahero sabay bahagyang umatras.
"Hindi po ma'am, okay lang ho. Si ma'am po talaga ang mismong nag-sabi na hintuan ko raw po kayo. Nakita ka kasi niyang parang nagmamadali." Paliwanag naman agad ng driver.
"Talaga po ba?!" Bulalas naman niya sabay baling ng nag-uusisa pero nagpapasalamat na tingin sa babaeng nasa front seat.
Marahang itinuon naman ng naunang pasahero ang kanyang tingin sa pinapasakay na babae at tumango ito sabay pakawala ng maaliwalas ng ngiti. Umagaw sa kanyang pansin ang mala anghel na mukha ng babae. Wala itong gaanong make-up pero tila'y kumikintab sa kinis ang mukha nito. Nagtugma at bumagay ang kasing-itim ng gabi niyang muntik bewang na mahabang buhok sa buong facial features niya. Gumuguhit pa ngayon sa kanyang mukha ang mala-mansanas na kulay na mga labi. Kapansin-pansin din ang simple pero magandang hikaw nito na korteng crescent moon.
"H-Hala... Thank you so much po talaga ma'am ha. Mali-late na po kasi talaga ako." Patuloy pa rin ang pagpapasalamat sa nagmalasakit na pasahero at tsaka humakbang na papasok sa likurang bahagi ng taxi.
"Don't mention it. Bababa na rin kasi ako jan sa bandang unahan." May katiwasayang tugon naman ng pasaherong babae na nasa unahan sabay pataw ng banayad na expression ng mukha na nakikita niya mula sa rear view na salamin.
Tila nahipnotismo na ang kakasakay na pasahero sa gandang taglay ng babaeng nasa unahan. Namamasyal nang may pagkamangha ang kanyang tingin sa halos perpektong mukha ng babae. Pawang nawala na nga panandilaan sa isip nito ang rason kung bakit siya nagmamadali.
"Para lang po sa jan sa tabi Manong." Mahinhin na sambit ng pasaherong nasa front seat.
Bumalik sa kanyang diwa ang pasaherong nasa likuran nang inihinto na ng taxi sa gilid ng kalsada. Narating na kasi ng nauna niyang pasahero ang destinasyon nito.
Yumakap ang di maipaliwanag na lungkot sa kaibuturan ng puso ng pasaherong nasa likod. Pakiramdam niyay pawang ngayon niya lamang naramdaman ang ganitong pighati. Napaawang ang labi niya at di napigilang mamutawi mga mata niya ang nagbabadyang mga luha. Sapo niya ngayon ang kumakalabog na dibdib.
BINABASA MO ANG
BIRINGAN: The Lost Salinlahi
TerrorInakala ng ulilang si Jessie ay alam na niya ang lahat tungkol sa pagkatao niya. Ngunit, sa palitaw ng mga bagong kaso ng estudyanteng nawawala, magbabago ang takbo ng kanyang mundo. Isang grupo ang kanyang makikilala. Lilitaw ang mga taong di mawar...
