Ace Crimson Night Griffin
Ilang linggo na ang lumipas mag mula nung umamin si Rei Xiu na isa syang bampira. September 13 na ngayon at isang linggo ko ng pinag hahandaan ang panliligaw ko kay Rei Xiu.
Good day Mate! Bati sa akin ni Brent at ibinigay sa akin ang isang bugkos ng bulaklak na kabibili pa lang nya. Malapit ng mag curfew kaya dapat ay bilisan na namin.
Nag paalam pa kami sa SSG President na si Bella, at sa kabutihang palad ay pinayagan nya kami, pero dapat ay hindi kami aabutin ng curfew.
Pal! Here's your Karaoke! sabi ni Nathan at tulak tulak nilang dalawa ni Andrew ang karaoke. Kaming mga lalaki lang ang nandito sa may Ilog at yung mga Girls na ang bahalang kuminbinsi kay Rei Xiu na pumunta dito.
All set, Mates? Tanong ko sa kanila ng makita ko na malapit ng matapos ang set up.
Ganito ang set up ng ginawa namin. Si Eli at David ang nag isip ng theme at dahil favourite color ni Rei Xiu ang Light Mint ay iyon ang naging thema namin, at mahilig din sya sa Balloons. Tamang tama ang pagkaka ayos namin dahil nakaharap ang kakainan namin ni Rei Xiu sa ilog kung saan kitang kita ang payapang kalangitan.
May red carpet din na nakalatag papunta sa kakainan namin ni Rei Xiu, parang date na nga ito!
Break a leg, Bro! Bati sa akin ni David at tinapik tapik ang balikat ko kaya ngumiti ako sa kanya.
Ta! Sagot ko sa kanya at tumawa sya saka nag handa na.
I'll call Kristine para makapunta na sila dito. Sabi ni Andrew at inilabas ang phone nya saka tinawagan si Kristine.
---
Kim Kristine Joy
Rubbish! This is it! pfft! Liligawan na ni Ace si Minty! Inutusan ko sila Heart na 'wag munang mag isip ng tungkol sa gagawin ni Ace dahil alam kong nag babasa na ng isip si Rei Xiu.
Nandito lang kami sa may sala at may kanya kanya kaming ginagawa. Si Rei Xiu naman ay abala sa pagbabasa ng comics. Ilang saglit pa ay tumawag na si Andrew sa akin kaya tumayo muna ako sa sofa at lumayo kila Rei Xiu.
Hello Honey! Bati ko sa kanya at tumawa naman sya.
Afternoon, Bee! Honeybee! Natatawang bati nya sa akin at pinigilan kong tumawa dahil baka mahalata ako ni Rei Xiu.
Punta na kayo dito! Sabi nya at sumagot na lang ako ng Oo at saka ibinaba ang tawag nya.
Lumapit ako kay Heart upang kausapin sya at alam nya na ang gagawin. Parehas kaming kunyari ay kinakabahan at ng mapansin kami ni Rei Xiu ay si Heart ang nag salita.
Girl! Si Ace naaksidente sa may ilog! Hysterical na sabi ni Heart kay Rei Xiu at agad namang napatayo si Rei Xiu.
Bloody Hell? What?! Puntahan natin sya! Nag aalalang sabi ni Rei Xiu at kaagad naman syang lumabas ng dorm namin. Mas mabilis pa sya sa kidlat na kumilos! Kaya humangin ng kunti dito sa amin.
Buti naman ay nag dahan dahan sya ng sumigaw si Eli.
STOP! YOU RASCAL! WAIT FOR US! HMMP! Sigaw ni Eli at halos mag echo ito sa buong floor kaya huminto si Rei Xiu at kaagad lumapit sa amin.
Nag aalala ako, Eli! Nanginginig na sabi ni Rei Xiu kay Eli at niyakap naman ni Eli si Rei Xiu saka kinindatan kami ni Eli.

BINABASA MO ANG
The Cadaver University
Viễn tưởngCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...