Ang Awit Ng Buhay

15 0 0
                                    

Mangarap ka saka magsikap;
Pangarap mo'y iyong kunin.
Matayog man ang iyong hangarin;
Kung may tiyaga'y mararating.

Tibayan mo ang kalooban;
Tatagan mo ang iyong damdamin.
Lumaban ka. Huwag kang susuko;
Harapin mo ang suliranin;
At makatitinag ka.

Sapagkat nasa iyo ang kinabukasan;
Ng buhay na bigay ng Maylalang.
Kung kaya nga't ang buhay ay huwag mong sasayangin;
At gawing makabuluhan ang iyong mithiin.
Ang taglay mong puso't diwa ay sapat nang sandata.
Upang pangarap mo'y iyong makuha.

Manalig ka sa Diyos ng buhay;
Patnubay Niya'y walang wakas.
Magtiwala rin sa iyong sarili;
Gamitin mo ang iyong lakas...

AT MAGTATAGUMPAY KA.

June 9, 2019
22:21

Mga Tula Ng Buhay At Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon