"Miss Lynn" Napatingin ako sa isa sa mga tauhan namin dahil hingal na hingal ito na lumapit sa akin.
"Bakit?" Taka'ng tanong ko. Pilit na itinatago ng kaba'ng nararamdaman.
Ang tauhan namin na nasa harap ko ngayon ay ang inatasan 'kong bantayan ang aking kambal na anak. Base sa kanyang hitsura ay masama ang sasabihin niya kaya kinabahan na ako.
"'Yung mga bata. . ." Hindi ko na siya pinatapos at tumakbo na ako patungo sa kwarto kung saan ko sila iniwan.
Nanlumo ako ng pagkarating doon ay imbis na natutulog na mga sanggol ang makikita ko ay bangkay ng dalawa pang tauhan namin na nakahandusay sa sahig ang tumambad sakin pagkabukas ko palang ng pinto.
Tinungo ko ang kuna na pinaglalagyan ng mga anak ko pero isang sanggol nalang nakita ko. Kinarga ko ang aking anak at yinakap siya ng mahigpit. Napalingon ako sa may pintuan ng bumukas iyun at pumasok ang aking panganay kasama ang aking asawa at kapatid.
Lumapit ang asawa ko sakin at yinakap ako. "A-ang a-anak natin, Kev" Utal 'kong sabi.
"Everything will be alright, sweetie" Pagpapakalma niya pa sakin at hinalik-halikan ang buhok ko.
"Kailangan nati siyang mahanap, b-baka kung anong mangyari sa kaniya, k-kailangan natin s-siyang hanapin" Nanginginig kong sabi habang nakayakap sa kaniya at hindi ko mapigilan ang pag-agos ng aking luha.
"'Wag kang mag-alala sweetie, mahahanap natin si Rielle, mahahanap natin siya, okay?" Tumango nalang ako sa kabila ng kaba'ng nararamdaman ko.
Rielle anak, sana walang masamang nangyari sa'yo! Ipapahanap kita at papatayin ko ang kumuha sayo!
~
Hawak ang aking baril ay pinasok ko ang bahay ng target namin ngayon. Walang security ang bahay niya kaya madali lang itong pasokin.
Madilim na salas ang bumungad sa akin pagka-pasok. Inalerto ko ang sarili dahil nararamdaman kong hindi lang ako ang nandito. Mayron pang iba. Nakamasid sa dilim.
Nanigas ako sa kinatatayuan ng maramdaman ang malamig na dulo ng baril na nakatutok sa likod ng ulo ko.
"Sino ka? Ano'ng ginagawa mo dito sa bahay ko?" Malamig na tanong niya.
"Relax lang, hindi ako lalaban" Imbis na sagotin ang tanong niya ay yun nalang ang sinabi ko dahil wala akong planong sabihin sa kanya kung sino ako.
"Kung nandito ka para kunin ang bata, nandun siya sa second floor, natutulog, ingatan mo ang bawat galaw mo para hindi siya magising, mag-madali ka at kunin mo siya bago pa mag-bago ang isip ko" Gulat man dahil sa mga pinagsasabi niya ay sinunod ko parin iyun.
Pagka-akyat ko sa second floor ay nakita ko ang isang batang babae na mahimbing na natutulog sa puting kama.
Kumunot ang noo ko. Sa totoo lang ay hindi bata ang ipinunta ko rito. Pumunta ako yun ay dahil nalaman kong dito nagtatago ang isang top one Hitman sa bayan namin.
"'Wag mo siyang dalhin sa pamilya niya, 'wag mo rin siyang dalhin sa ampunan, espesyal ang batang iyan, alagaan mo siya at palakihin ng tama, pagsapit ng ika-labing tatlo niyang kaarawan ay saka mo sabihin sa kanya ang totoo, ngayon, maaari mo nang gawin ang iyong pakay" Mahabang saad niya.
Humarap ako sa kanya at itinutok ang hawak kong baril sa ulo niya saka siya pinaputokan dahilan ng pagbulagta niya sa sahig.
Binalingan ko ng tingin ang batang mahimbing na natutulog at linapitan ito. Mala-anghel ang kanyang hitsura, magandang bata. Puro at inosente kung titingnan.
Dahan-dahan ko siyang binuhat at dinala sa kotse ko saka ko iyun pinaharurot palayo.
YOU ARE READING
Innocent Devil
Mystery / ThrillerThis story contains three series and this is the first. If you don't want to miss something from this story, you should read it before proceed to the second and third one. Hope you enjoy reading this story. I'll be glad if you will vote and comment...