Chapter 2

0 0 0
                                    


"Hindi naman ata tama ang ginawa mo kay Miss" Pagtatanggol ni Rosh sa teacher namin.

"Kids, that's enough, konting respeto naman dyan" Awat sa kanila ni Miss pero hindi lang nila ito pinansin.

Pekeng tumawa si Tres. "Eh ano ngayon kung hindi tama ang ginawa ko? Anong magagawa mo?"

"Eto!"

Napatayo ang lahat matapos sapakin ni Rosh si Tres sa mukha. Serves him right. Saka nagsimula ang Royal rumble. Tch! Ayoko namang madamay sa gulo nila kaya lumabas nalang ako. Mula sa Third floor ay natanaw ko ang school garden kaya naisipan 'kong tumambay doon saglit.

Naglakad ako sa tahimik na hallway at bumaba sa hagdan. Para akong nasa isang teleserye na mag-isang naglalakad sa abandonadong building habang may mga matang naka-tingin sakin mula sa malayo at naghihintay ng tamang tyempo para taposin ang buhay. Napaka-gandang teleserye. Tch!

Pagkarating ko sa garden ay agad akong naghanap ng perfect spot upang pagpahingahan ng walang makakakita sakin. Natanaw ko naman ang isang puno. Medyo may kataasan ito pero perfect spot para tulugan. Oo, matutulog ako sa itaas ng puno. Yun usually ang ginagawa ko kapag wala akong magawa o tumatambay ako sa mga maaliwalas na lugar tulad ng garden nato.

Maingat akong umakyat sa puno at sumampa sa isang malaking sanga. Umayos ako ng upo at sumandal sa trunk ng puno saka pumikit.

Tahimik. Maaliwalas. Walang istor—

"Ang tahimik" Komento ng isang panibagong boses sa pandinig ko.

"Edeh mag-ingay ka kung tahimik" Pag
Pambabara ko sa kaniya ng nakapikit parin.

"A-anong ginagawa mo diyan? N-natutulog ka ba?" Parang gulat na tanong niya.

Eh ano naman ngayon kung natutulog nga ako? Tss!

"Oo at storbo ka" Parang inaantok na sabi ko.

"Hindi ka ba natatakot na mahulog?"

"Sasalohin mo ba ako?"

"Huh?"

"Wala"

"Ang weird mo"

"Mas weird ka"

"At pano mo nasabi yun?"

"Dahil kinakausap mo sarili mo"

"Kailan naman nangyari yun?"

"Pagkarating mo"

"Anong pagkarating ko?"

"Tss. Engot!"

"Sinong engot?"

"Ikaw"

"Ang kapal. . ."

"Sino ka ba?" Inis na tanong ko saka ko siya tiningnan. Storbo siya eh at ang ingay pa.

"Hindi mo ko kilala?" Gulat na tanong niya.

"Tatanongin ba kita kung alam ko kung sino ka? Engot ka talaga" Binulong ko lang yung huling parte baka ma-offend pa siya pag-marinig niya. Tss. Mukha pa naman siyang isip-bata.

"Pilosopo ka rin eh pero hindi bagay sayo ang maging philosopher"

"Sagotin mo ang tanong ko"

"Anong tanong ba?"

"Nagka-amnesia ka na agad? Tss, ang tanong ko, sino ka?" Inis na tanong ko pa.

"I'm Austin, you are?" Mahinaho'ng pagpapakilala niya habang nakangiti ng matamis.

"Yen" Tumango-tango naman siya sa sagot ko.

"Nice name" Aniya pa.

"Why are you here, Austin?" Pagiiba ko ng usapan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Innocent DevilWhere stories live. Discover now