Chapter 1

0 0 0
                                    


MARIIN akong napapikit ng maramdaman ang malamig na ihip ng hangin na dumampi sa aking balat at dinama iyun.

Naidilat ko lang ang aking mata ng maramdaman 'kong may yumakap sa akin mula sa likuran at mahigpit iyun. Hindi ko man lingunin kung sino iyun ay satingin ko hindi ko na kailangan. Pamilyar ang pakiramdam na ito. Siya lang ang nakakapag-paramdam sakin ng ganito. Safeness. Gladness. Love.

"Did I make you wait, babe?" Tanong niya at hinalik-halikan ang balikat ko.

"Hindi naman, kararating ko lang" Kahit hindi niya nakikita dahil nasa likuran ko siya ay nakangiti parin akong sumagot sa kaniya.

"I miss you" Malambing na aniya. Itinigil na niya ang paghalik sa balikat ko at ipinatong nalang ang baba niya doon.

"I missed you too" Tugon ko.

Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman'kong namamasa ang gilid ng mata ko. Huli na ng mapagtanto 'kong umiiyak na pala ako. Damn that dream!

Pinunasan ko ang aking luha. Bigla namang may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako doon.

"Anak, gising ka na ba?" Dinig kong tanong ng kumatok.

"Yes, Dad" Mahinaho'ng tugon ko.

"Baba na anak, hindi maganda'ng simulan ang unang araw ng klase na late"

"Just give me ten minutes to fix myself Dad" Sabi ko.

"Sege"

Dinig ko ang mga yabag niya papalayo kaya bumangon na ako at pumasok sa banyo. Hinayaan kong rumagasa ang tubig mula sa shower sa katawan ko.

Isinandal ko sa dingding na gawa sa tiles ng banyo ang noo ko at mariing pumikit ng maalala ang napanaginipan ko. That dream again.

Magmula nung gabing iyun ay hindi na ako tinantanan ng bangungot ko sa buhay. Gabi-gabi. Sa bawat pag-dilim ng aking paningin ay kasabay nun ang pag-flash ng mga ala-ala sa utak ko. Hindi ko ginusto'ng makita muli ang mga iyun, sadyang nagkukusa.

Kinuha ko ang shower gel at ipinunas sa sarili 'kong katawan. Nang matapos ay nagbihis ako ng uniform ng school na papasokin ko. Saka ako bumaba.

Naabotan ko si Dad na nagbabasa ng dyaryo habang prenting naka-upo sa sofa. Humalik ako sa pisngi niya upang agawin ang kanyang atensyon.

"Good morning, Dad"

"Good morning anak, nagluto na ako ng agahan, tapos na akong kumain kaya kumain ka na lang dun" Wika niya saka pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Sege po" Dumiritso na ako sa kusina.

Nandun nga ang pagkaing hinanda niya sa mesa. Umupo na ako sa isa sa mga upuan at sinimulang kumain. Dumighay pa ako pagkatapos saka ako bumalik sa sala at ganun parin ang senaryong nakita ko.

"Alis na po ako Dad, bye" Paalam ko saka lumabas ng bahay.

"Ingat ka anak" Dinig ko pang habilin niya na diniinan ang salitang 'ingat'. Tch! Ang Dad ko talaga.

Sumakay na ako sa motor ko at pinaharurot iyun papuntang St. Clandestine Academy. Ang bago kong school na papasokan.

Ipinark ko sa bakanteng parking lot ang motor ko pagkarating. Tinahak ko ang daan papasok sa campus. Hinanap agad ng paningin ko ang bulletin board kung saan naka-lista kung nasa anong section ka nabibilang.

Nahagip ng mata ko ang mga nagkukumpulang tao kaya lumapit ako roon hindi para makiusyoso kundi para tingnan kung nandun ba ang bulletin board. Pagkalapit ko ay dinig na dinig ko ang bulungan ng kapwa ko students.

Innocent DevilWhere stories live. Discover now