Eroplanong Papel

10 0 0
                                    



Kanyang pinalipad ang eroplanong papel na di kinalaunan ay lumagapak sa kandungan ng isang batang babae

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kanyang pinalipad ang eroplanong papel na di kinalaunan ay lumagapak sa kandungan ng isang batang babae.Pinulot ito ng batang babae at muling ibinato pataas sa kalangitan dahil inaakala nyang makararating ito sa Diyos.

"Hindi ba't ganoon ang mga eroplano? Nakararating sa mga anghel?"

"Hindi" wika ko, " hanggang ulap lamang sila sapagkat mga patay lamang ang nakakakita sa mga anghel."

Umiyak siya at sumigaw "HINDI YAN TOTOO! "

Tumakbo ang batang babae at umuwi sa kanilang bahay.

--------------------------

Nang sumunod na araw habang ako ay naglalakad pauwi, naaninagan ko ang bahay ng batang babae, napakadaming tao at maliwanag ang buong kabahayan. Amoy ang bulaklak na nakadekorasyon sa ulunan ng kabaong.

Nagtanong ako sa isang matandang babae na wari'y inaantay lamang na lumapit ako.

"Ano po ang nangyari sa bata?"

" Isang taon na mahigit ng namatay ang kanyang ama, napakalapit nito sa bata. at sa tuwing hinahanap ng bata ang kanyang ama, sinasabi ng kanyang ina na sa kinuha ng Panginoon ang kanyang ama upang gawing anghel. Na maaari syang magpadala ng mensahe dito kung bubulong ito sa eroplanong papel at ibabato ito sa langit.

Ngunit, kahapon raw ay umiiyak ang bata, bato daw ng bato ng eroplanong papel. Binabato at pinupulot, binabato at pinupulot. Siguro ay natatakpan ng pulo-pulong luha ang kanyang mga mata at hindi niya napansin ang sasakyan na rumaragasang papunta sa diresyon nya. At iyon nga ang kinamatay ng bata.


Kawalan ng tiwala na nakararating ang kanyang mensahe ang naging dahilan pangalawa na lamang ang pagkakasagasa"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Eroplanong PapelWhere stories live. Discover now