2.Failed

31 5 0
                                    

---
Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga planong ginagawa ko para sirain ang araw ng mag nanakaw ng halik na yun. Tinatamad akong nag lakad papuntang room at mamayang break time ko gagawin ang plina plano ko. Nag lagay ako ng concealer at makapal na make up para lang matabunan ang eyebags ko. Oras-oras akong humihikab at ilang beses napagalitan ng mga teachers na hindi ko naman pinapansin. Walang kwenta kung papakinggan ko nakakairita nilang boses.

Iniiwasan ko si Agatha dahil baka mamaya mapurnado ang plano ko.

Tumunog na ang bell na hudyat na break time na. Nag madali akong pumunta sa music room na pinagtatambayan ng gagong yun at may inutos ako sa isang nerd na tawagin si Raphael habang inaayos ko ang nilagay ko sa pintuan ang baldeng may laman ng madumi na tubig.

Mahigit sampung minuto bago ko narinig na bumukas ang pintuan at alam kung ang gago na ang bumukas ngunit ng bumuhos na ang maruming tubig ay isang lalaking singkit at matangkad ang nabuhusan. Ilang beses akong napamura sa isipan ko.

Narinig ko ang yapak ng mga paa papunta sa lalaking nabuhusan. Lumapit ang grupo ni Raphael na hindi alam ang gagawin. Napatingin ang isa sa kanila saakin kaya binitiwan ko ang lubid at tumakbo ng mabilis. Tiniis ko ang sakit ng paa ko dahil sa heels ko.

Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa tinakbo ko. Napunta pala ako sa rooftop ng school. Naiinis ako dahil sa kapalpakan ko.Bwiset!

Nag palipas ako ng ilang oras dito at dinadam ang sariwang hangin. Nakakagaan sa pakiramdam sa susunod dito ako tatambay malayo sa mga taong mapanghusga at napakatahimik.

Bumaba na ako dahil uwian na. Siguro naman wala na sila. Ngunit papunta kong parking lot ay may narinig akong boses ng babae.

"What the fuck are you saying?...Ang babaw ng dahilan mo para hiwalayan ako. Three days lang tapos sawa ka na? oh fuck you Raph!" Histerya na tugon ng babae.

"Damn una palang sinabi ko sa iyo na madali akong mag sawa diba but you insist na okay lang. Napaka boring mo kasam...."nakarinig ako ng malakas na sampal napangiwi ako dahil malamang ang sakit ng sampal na yun.Walang kwenta kung makikinig kaya diretsyo na ako sa kotse namin.

Taas noo akong lumakad. In my peripheral vision alam kung sino ang nakatingin saakin. Di ko pinansin at pumasok na sa loob ng kotse.

Napagpasyahan kong mag shopping tutal nabobored akong umuwi ng maaga sa bahay. Sa likod ko ay nakasunod ang bodyguard ko. Okay din para may taga dala ng mga pinamili ko.

Habang pumipili ako ng magandang phone na bibilhin ay nag salita ang salesman.

"This is a latest brand po maam ngayong 2019. Try niyo po tingnan." nakataas ang kilay kong tiningnan ang sinasabi ng salesman. Tss ang cheap naman, Tiningnan ko ang salesman na ikinagulat ko dahil siya yung lalaking singkit na nabuhusan ng maduming tubig.

Nakangisi lang ito saakin siguro kilala na niya ako. Napairap na lamang ako para matago ang hiya.

"Okay bibilhin ko" diretsahang tugon ko. "Hindi mo ba titingnan maam muna?" tanong nito. " No, Siguro naman maayos ito kahit diko tingnan diba?" mataray kong tugon.

"Syempre naman po. Pa fill up nalang ng form. Thankyou" hindi ko alam kung naaasar ako sa boses niya o sa kapalpakan ko kanina.

Pakatapos bayaran ay agad ko ng kinuha ang binili ko at diretso ng lumabas sa store. Nakasimangot ako, ano naman gagawin ko sa phone na ito napaka cheap napilitan lang ako dahil nakakakonsensya.

"Uy diba si Blaire yun!" dinig kong tugon sa kabilang stall.

"Oo nga eh, sa Adams Wart University na siya nag-aaral. Magkano kaya ang perang binayaran ng parents niya para matanggap no.?" malisyusang tugon ng kasama nito habang ako ay hindi na makakain ng maayos dahil sa naririnig kung bulungan na naririnig ko naman.

Every bad ThingsWhere stories live. Discover now