Pst. 3

41 3 0
                                    

"HAHAHAHA. Ang epic talaga ng face mo kanina Aly." Bwisit na Carlo to. -,-" Hindi ba sya titigil katatawa. Pektusan ko sya e.

Kasalukuyan kaming nagllunch ngayon. Libre nya. Kapalit nung atraso nya sakin kanina. -,-"

"Bwisit. Tumigil kana nga katatawa dyan. Peste ka e. Ginogoodtime moko kanina. -,-" Kung nagtataka kayo kung anong nangyare. At bakit ganto kautas ng tawa si Fortalejo. Ito lang naman.

FLASHBACK.

"Ang gusto ko sa isang lalaki ay yung gwapo, varsity, maputi, di ako lolokohin, aalagaan ako, ipagttanggol ako sa ibang tao. At syempre kaya akong ipagmalaki kahit kanino." At ikaw ang tinutukoy ko Carlo.

Palapit ng palapit yung mukha nya sakin. Sht. Tinignan ko yung mga kaklase ko. May kanya kanyang ginagawa. Tuningin uli ako kay Carlo. Ito na ba yung magiging first kiss ko? Di ako ready. Sht. Sobrang lapit na ng mukha nya. Bigla na lang ako nakaramdam ng pitik sa noo ko.

"Aray. Bwisit ka. Bat ka namimitik?" Tumingin ako kay Fortalejo. At aba. Utas sya ng tawa. Nakahawak pa yung kamay nya sa tyan nya. Bwisit.

"Ei --. HAHAHA. Kas-----. Haha. Yung mukh-----. Haha. Mo. HAHAHAHA." Wow. Grabi. Ang dami kong naintindihan sa sinabi nya. -,-"

"Ano? Tapos ka ng tumawa?" Tumigil na syang tumawa. Pero halata namang pinipigilan nya lang mag-burst out again. Bwisit to.

"Ei yung Dream Boyfriend mo naman kasi. Santo ang kailangan mo. Hindi Boyfriend. HAHA." Awts. Leshe. Ikaw lang naman ang kailangan ko. Gago ka talaga Carlo. Arghh.

"So yun lang ang ikinauutas mo ng tawa?! Ghad." Napaka-babaw ha. Hindi ko malangoy ang dahilan.

"Hindi. HAHA. At tsaka. Nung nilapit ko yung mukha ko sayo. Mukha kang natataeng hindi. HAHAHA." Pinag-hahampas ko sya. Bwisit. Leshe. Nakakarume tong lalaking to. Arghhhh. Sarap nyang sakalin. Waaah.

"Mr. Fortalejo and Ms. De Guzman. Kung maglalambingan kayong dalwa. Wag dito sa klase ko. Get out!" sigaw samin nung Values Teacher namin.

"Bu----"

"No buts Ms. De Guzman. Get out!" Bwisit. Napalabas pa. Argh. Peste talaga sa buhay tong si Fortalejo.

END OF FLASHBACK.

"HAHA. Yung mukha mo talaga kanina. Sayang wala akong dalang Camera kanina. Sana napicturan kita." So talagang pinagttripan nya ako. Grr. -,-"

"Bahala ka nga sa buhay mo!" Umalis na ako. Mabbwisit lang ako sa lalaking to. Kahit na gusto ko sya. Baka masakal ko lang sya. Tss.

Nagpunta na lang ako sa garden. Umupo ako sa ilalim ng puno. Pinikit ko ang mata ko. Haysxz.

-----------------

Guys. Alam kong boring na tong kwento. Pagtyagaan na lang po. Thanks. KeepYourHeartBeat. <3

Pst. Mahal Kita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon