"Pst. Aly. Hi daw." Okay. Kanina pang ganyan ang bati sakin ng mga tao. Anong nangyayari? Pag tinatanong ko naman kung sino may sabi. Ang sinasabi lang nila ay 'Secret. Walang clue'.
Naloloka na ako sa mga tao. Pati nga teachers. Binabati ako ng ganyan. Sino ba naman kasi yun. -,-"
Naglalakad lakad ako sa campus ng mapadaan ako sa gilid ng Garden. Naalala ko yung nag-text sakin. Pag hindi ako pumunta. Hindi ko makilala yung nagtext. Pag pumunta naman ako. Makikilala ko sya. At baka sya rin yung may pakana dun sa pagbati sakin. Hayxz.
I decided to go. There's no harm in trying naman diba. Habang naglalakad ako nagkalat ang petals ng roses. Woah. Rich Kid yata yun a. Edi sya na. -,-' And take note. Habang naglalakad ako may mga lumalapit sakin tas binibigyan ako ng mga sticky notes. Mga sweet message ang nakalagay. Nako. Kung si Carlo lang to. Mahihimatay na ako sa kilig. Pero dahil di ko pa naman kilala tong si Unknown e. Mej konting kilig lang naman ang nararamdaman ko.
Hindi naman ako manhid para di maaprecciate yung mga ganitong moment. HAHA. Napapunta ako sa tapat nung puno na pinagstayan ko kahapon. Nababalot ng roses at candles yung puno. Waaaah. Grabitey so much effort. Tas may nakalagay pa sa taas na banner.
And surprisingly. Ang nakalagay ay 'Pst. Aly De Guzman' Oha. Ang hilig nya sa Pst. xD Kinikilig na talaga ako. Lumingon lingon ako sa paligid. At aba ang mga chismosa kong schoolmates ay andito. Pati Faculty Members nakikichismis. Hiyang hiya na ako dito. Pinagtitinginan kasi nila ako. Enube. Flattered here. HAHA.
Diskarte By Daniel Padilla.
'Simpleng tao lang ako
Na nagmamahal sayo
Di ako katulad ng mga manliligaw mo'
Sheteng katorse. Si Carlo nakanta sa harap ko. Sinampal ko ang sarili. At aray ko po. Totoo nga. Hindi ako nananaginip. Napahawak ako sa dibdib ko. Nagwawala na naman ang puso ko.
'Pasikat sa porma, sa Ipad
At sa hightech na cellphone
Di man ako nagsusuot ng mamahaling relo
Pero sayong sayo ang oras ko.'
Nabibingi na ako sa irit ng mga estudyante. Jusko. Mas dinaig pa ako. Excuse me. Ako po yung hinaharana ni Carlo hindi kayo. -,-" Nakakaloka. :3
'Gagawin ko ang lahat
Para makapiling ka
Kapag kasama kita
Di mapigilan ang saya
You know it's so good
Kapag nagmamahal sayo
Pag-ibig mo ang
Diskarte sa puso ko.'
Naglalakad na sya papalapit sakin. Shete. Bat ba ang gwapo ng lalaking to. Ang gwapo ng taong mahal ko. Enube. Ang landi ko. HAHA. Pagbigyan nyo na ako. Ngayon lang nemen. XD
'Pst. Mahal Kita' Ano daw? Anong sinabi nya?
'Ano? Anong sabi mo?' Sorry naman. Di ko narinig e. Nabingi na yata ako sa tilian ng mga tao.
'Wala ng ulit ulitan. HAHA' Andaya. E sa di ko narinig e. Nag-pout ako sa harap nya.
And then *boogshing. tugshing. boomkalaboom* It feels like I'm in heaven. Nakalapat pala yung labi ni Carlo sa mga labi ko. Shet. Ang first kiss ko. Huhu.
Inalis na nya yung labi nya. Huhu. Nakakaiyak.
'Sabi ko mahal kita.' Nasampal ko sya bigla. Sheteng kalabaw sya. Nagulat ang mga tao. Tumigil na din yung mga nagtitilian. Nakafocus lang silang lahat sakin.
'I hate you *sniff* Bat mo ko hinalikan *sniff* Yun ang first kiss ko. *sniff* Gago ka pala e.Curse you. *sniff*'
Umiiyak na talaga ako. Nakakainis kasi. May gusto pala sya sakin. Tas ngayon nya lang sinabi.
'Huli na ba ako Aly?' Ano bang sinasabi nyang huli na sya. Nakakainis talaga sya. Napakaboplaks nya.
'Oo.' Mapagtripan nga to. HAHA. Nagulat sya sa sinabi ko. Pffffttttt Pinipigilan kong tumawa.
'Bakit?! May iba kana bang mahal? Sino yung gagong yun? Sabihin mo sakin!' Nanggigil na sya ngayon. HAHA.
Hindi ko na napagilan. Humagalpak na ako ng tawa dito. HAHAHA. Wala na akong paki kung sabihin nilang baliw na ako.
'Bat ka tumatawa? Sabihin mo kasi kung sino na yung gusto mo. Para naman di na ako umaasa dito oh. Nasasaktan kaya ako' Sumeryoso na ako. Mahal nya pala talaga ako.
'Carlo Fortalejo ang pangalan e. Anong gagawin mo dun? Anong gagawin mo sa taong mahal ko?' Naghiyawan na naman ang mga schoolmates namin. Pati yung ibang teachers. Kinikilig sa ginagawa namin. HAHA.
'I-ibig sabihin may gusto ka din sakin?' Tumango ako sa kanya. Kinikilig ako. HAHA.
Nagulat na lang ako ng yakapin nya ko. Chumachansing tong lalaking to. HAHA.
'Ibig sabihin ba nun na tayo na?' Aba. Teka. Anong sinasabi nitong kami na?
Kumalas ako sa pagkakayakap nya.
'Hep. Hep. Hep. Hindi pa tayo. Ligawan mo muna ako'
Binigyan nya lang ako ng matamis na ngiti. Hayxz. Ang sarap sa feeling na gusti ka din pala ng taong mahal mo. Sana magtuloy tuloy kaming dalwa. Hanggang sa pagtanda. Sisiguraduhin kong sya pa rin ang taong mamahalin ko. Mahal na mahal kita Carlo.
----------------
Yay. Natapos din tong Pst. Mahal Kita. Ang sarap sa feeling. HAHA. Thanks guys kung sinuportahan nyo tong story ko. Nakakaflattered kung saka sakaling mabasa nyo tong storyang ito. HAHA. Mahal na mahal ko kayo Guys. KeepYourHeartBeat. <3
BINABASA MO ANG
Pst. Mahal Kita!
NouvellesHindi po ito True To Life. HAHA. Yung name ng characters ay kaechusan lamang. Maraming salamat po. :* Saranghaeyo. Keep Your Heart Beat. <3