Marletz ' POV
Sa practice.
Nilapitan ako ni Elisha, tapos sabi niya. "Letz, grabe! Nakakaiyak na nakakakilig yung sinabi sa'yo ni Kuya Luis! "
Nagulat naman ako. Ano kaya yun?
" Sinabi? Ano yun? ", takang tanong ko kay Eli.
" Ay. Oo nga pala. Di pa pala niya nasasabi sa'yo. Finorward lang ni Nico sa kin e. Wait mo na lang baka dumating na yung text sa'yo. "
Nung una, medyo masigla yung boses ni Eli na parang kilig na kilig. Pero nung bandang huling sinabi niya, naging matamlay yung boses niya. Ano bang meron dun sa text na yun? :3 Naccurious ako ha. -__-
" Ah. Okay, sigesige. Wait ko na lang. " , tapos nginitian ko si Eli.
Maya-maya nag-vibrate na yung phone ko. Kinuha ko naman agad iyon sa bulsa ko.
One unread message.
From: Nico
Hi ate! Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng pag-aalaga sa kin. Pati sa pagmamahal. Hehehe. Uhm, ate? Bukas na kasi ako aalis papuntang Singapore e. Di ko alam kung kelan ako babalik. Gusto kitang makita ng personal pero wala ng time. Sana pagbalik ko, makita na kita. Gagawa ako ng paraan para makita kita ha. Wag mo kong kakalimutan ha? Mag-iingat ka palagi ate ko. Iloveyouuu. :*
- end -
Nagulat ako sa mga nabasa ko. Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Magpapakatatag ako. Aalis na siya bukas? Aalis na ang Ultimate Crush Ko. Di ko napigilan yung luha ko, unti-unti na silang nagsipagbagsakan. :----( Ang sakit pala sa feeling ng maiwan no? :'((((
Ilang minuto rin ako iyak ng iyak. Oo, crush ko lang siya. Pero alam ko sa sarili ko na mahal ko na si kuya. :----( Buti nga at may dala akong panyo para agad na napupunasan yung mga luha kong kanina pa patak ng patak. :3 Nakakainis na nga e. Ayaw nilang tumigil. :'((((
Pinilit kong pakalmahin yung sarili ko. Salamat naman at nagawa ko. Nagfake smile ako kila Eli. Kilala nila ako bilang matatag! Palaban. Di agad sumusuko. :)
Pinatawag na kami at nagsimulana kaming mag-practice. Parang wala akong lakas. Parang hinang-hina ako. Pero hindi pwede. Kakayanin ko 'to.
After 30 mins.
" Oh! Mga chikiting, break muna. ", sabi ni Ma'am Camelle. Teacher namin sa MSEP. Chixx yun! Galing pa sumayaw. :))))
Chikiting daw kami? Ma'am naman e. Grade 6 na kaya kami! :(( HAHAHAHA.
So, ayun na nga. Uminom muna kami ng tubig tapos bumili ng snacks sila Aina. Nandito kami sa may stage nila Eli tapos napansin kong medyo parang may iniisip ata siya? Ano na naman kaya yun? Matanong nga.
Nilapitan ko si Eli tapos tinanong ko siya. Kung napapansin niyo po medyo ayos na ako. Kailangan kong maging maayos no. Hindi pa naman katapusan ng mundo e. Babalik din yun si kuya. Aasahan ko yun. :)
" Eli, okay ka lang? Anong meron?, sabi ko.
" Wala Letz. Medyo nahihilo lang. " - Eli.
Akala ko naman may problema. Yun lang pala. Hay.
" Ay. Yun lang? Akala ko kung ano na e. Hehehehe. " - Ako.
" HAHAHAHA. Don't worry Letz, ayos lang ako. Baka kulang lang sa tulog. " - Eli.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush. :">
RomanceHey guys! First time ko po 'to. Kaya sorry kung magiging epic itech. HAHAHA. Pero wag naman sana. ^_____^v Sana po suportahan niyo itong story ko. :))) About ito sa isang magbestfriend na nagkaroon ng boyfriend na naging poser para sa kaibigan niyan...