New School, New Friends and the real story of Sweet West High

72 9 1
                                    

Nakasakay na ako dito sa limo habang nagtetext. Tinetext ko yung bestfriend ko at nagulat siya sa balitang nalaman niya. Tinawagan pa niya ako at sinabihan na bibisita na lang siya sakin minsan. Sabi ko wag na lang kasi baka mapahamak siya kaso nagpumilit siya.

Mamimiss ko tuloy si Kaye. Yung mga kakulitan namin. Mga baliwan namin. Mga tawanan nami--

"Andito na po tayo" grabe naman butler! Alam mong nagmoment yung tao dito eh.

Nakapagpaalam din naman ako kay Lala. Umiyak pa nga siya eh xD hayss...mamimiss ko din yung chaka doll na yun xD

Bumaba na ako sa limo at napatingin ako sa school. *smirk* fake school...

Sinasabi ng utak ko na mga faker ang mga tao dito. Pati sa labas ng school mukang fake. Paano kaya napauto si daddy?

"Ayt!" Muntik na akong mapatalon sa lakas ng tili na iyon. Napatingin ako sa isang babae na mukang nasa mid 80's na nakataas yung kilay. Taray.

"Good Mownin' boys, please take her luggages to her dom (silent 'r'). Thank you"

Spell Nosebleed po. Ako yun. O¬O

"Follow me" maawtoridad na wika niya. Nakaalis na pala yung limo at yung butler ko. Nubayan! Di man lang nag goodbye or bye? -_______-

Nakabuntot lang ako dito sa matandang babae na ito ng bigla siyang tumigil. Napatigil din ako sa paglalakad. At dun ko lang namalayan na nasa loob na pala kami ng campus.

Tumalikod siya at tinignan niya ako ng maigi. Ang weird niya. Nagulat pa ako sa sunod na tinanong niya.

"Are you a gangste' my dear?"

"Uhhh..o-opo m-ms..."

"Call me Ms. Evans"

"Uhhh...yeah s-sure...M-ms Evans" sabay pilit na ngiti.

Nakakatakot kaya siya. Habang nagsasalita kasi siya nakataas yung isa niyang kilay. Tapos tinanong pa niya kung 'gangste' daw ako -____-

"Good. Now lets go and check yow dom' and see who yow roomate is" nauna na siyang maglakad at nakikibuntot lang ako. Hihihi.

Wala pa masyadong mga estudyante dito sa campus kasi saturday at baka naman yung iba nag shopping. Sa tingin ko malapit na kami sa dorm kasi puro pintuan na ang nadadaanan namin.

Tumigil na lang kami sa isang malaking pintuan. "Yow names are written on the side of this doo' so its impossible fow you to get lost. You'll get used to it too when you stay here a little bit mow' longe'". Nakataas parin ang kilay niya ng iwanan na lang niya ako.

"Alex Riz, Chloe Sim, Ji- Eun, Janna Lee and Abby Omei" ako talaga huli. Buti at hindi nila ginamit yung real name ko.

Hay...mukang mga gangster ang makakasama ko for one year. 4th year na ako kaya pagtitiyagan ko na lang yung one year na ito. At sana makalabas pa ako dito ng buhay. [a/n basta malalaman niyo na lang mamaya kung ano ba talaga meron sa school na ito]

Inhale...Exhale...wew! Inihanda ko na yung kamao ko. Itinaas. Ready to aim this freakin door. Ayan na...

*tok tok tok*

Napatigil agad ako.

Ay, nasa kabilang kwarto lang pala iyon. Hehe. Humarap ulit ako sa pinto at kakatok na...

*Tok

Tok

T---

"Kyaaaaaah!!! Guys!! We have a new roomate!! Yipeee!" Tapos nagulat ako sa ginawa nung babae. Niyakap niya agad ako ng napakahigpit.

Black FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon