"SOONYOUNG'S"
"Saan ka titira nyan ngayon?" tanong sakin ni Areum.
"may rerent nalang muna siguro ako ngayon" sabi ko sakanya
"mag rrent? Dun ka nalang sa isang unit ko. O kaya sa bahay ka nalang tumira pag kinasal naman na tayo dun ka rin naman titira ey " sabi nya kaya kinurot ko pisnge nya ang kyeot talaga ng gf ko.
"Babe ayoko. Mamaya isipin nila tito kaya kita papakasalan dahil ikaw ang bubuhay sakin" sabi ko sakanya.
"huh ey ano naman? Kahit ako ang bumuhay sayo basta ako ang papakasalan mo it doesnt matter " sabi
"babe mahaba pa naman ang panahon. College palang tayo hayaan mo muna na tumayo ako sa sarili kong mga paa " sabi ko sakanya.
" ey hindi ka naman sanay sa ganun? Pano foods mo? Expenses mo?' tanong nya ulit nya. Nginitian ko lang sya. Kakayanin ko to ako paba? Kelan ba sumuko ang isang Kwon Soonyoung?
--
"Young master sigurado po ba kayong hindi nyo ako isasama? " tanong sakin ni shownu.
"ang kulit mo! Pang 10 beses mo na yan tinanong ey" irat na sagot ko.
" pero young master baka hindi nyo kayanin nang wala ako" sabi nya kaya natawa ako.
"ano ka jowa ko? Manahimik ka lang dito sa bahay. Pag kailangan kita tsaka lang kita tatawagan. Pag sumama ka kasi sakin iisipin pa kita imblis na sarili ko lang iintindihin ko ' sabi ko sakanya.
" pero young master- " di nya pa natatapos sabihin nya itinaas ko ang kamay ko para tumahimik sya.
" Kung ano ang sinabi ko yun ang masusunod " sabi ko at kinuha na ang mga gamit ko para makaalis na sa impyernong bahay na ito.
Yes Kwon Soonyoung after 23 yrs malaya kana!
--
"Young master hindi po private ang malapit na school sa lugar na nilipatan nyo." sabi sakin ni kihyun. Assistant yan ni dad pero dahil jowa nya si shownu bati kame.
"okay lang as long na school parin naman yun, makakapag aral at matututo ako okay yun sakin. " sabi ko pa.
" pero young master-" di nya pa natatapos sasabihin nya nag salita na ako.
" ienroll mo ako dun its either you like it nor not. " sabi ko sakanya. Napabuntong hininga nalang sya.
"okay po young master ipapadala ko nalang dyan yung mga kakailanganin mo. " sabi nya.
"okay. Basta dapat wag malaman ni daddy." sabi ko sakanya.
" opo " sagot nya.
"salamat " sabi ko at pinatay na nya ang phone.
Napatingin ako sa paligid ng maliit na kwarto na inupahan ko.
Alam mo yung pag pasok mo ng bahay may kama agad pero nandun na rin yung sala ko at dining. Tapos meron din sariling zink at cr.
Ako lang naman mag isa dito kaya pwede na sakin to.
Hays bagong buhay na kwon Soonyoung pero still gwapo ka parin naman.
---
"JIHOON'S"
"Ayoko makipag usap sayo" irat na sabi ko sa mama ko dahil kanina pa nila ako sinusundan nung driver nya.
"Jihoon! Eomma mo parin ako." sigaw nya sakin.
"Eomma nga kita! Pero hindi ka naman nag paka Eomma sakin! Tapos nag tataka ka kung bakit hindi ako sumusunod sayo? " nanggigigil na ako sakanya dahil parang wala lang syang ginawa saamin ni papa. Tapos ngayon sya pa may ganang magalit?
"Jihoon pakinggan mo muna ako! Para sayo din tong ginagawa ko" sabi nya.
"sige na anak please just hear me out" sabi nya. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng kotse nya.
"30mins " sabi ko at sumandal sa upuan.
"pero-" di nya natatapos sasabihin nya nag salita na ako.
"25 mins" sabi ko at napabuntong hininga sya.
"napag usapan namin ni tito Seyoung mo na kukunin ka namin at papagaralin ka nya sa school kung saan nag aaral din ang anak nya. " pag uumpisa nya.
"hindi ko sya tito at ayokong mag aral sa school kung saan nandun ang anak nya." sabi ko.
" pero makakabuti yun sayo pribado ang eskwelahan na yun, matalino ka anak alam kong bagay ka dun" sabi nya pa kaya natawa ako.
"kelan kapa nagka paki sa ikakabuti ko? Kaya akong pag aralin ni papa. Dati nga napag aral ako ni papa ng walang tulong mo ey. Hindi ko kailangan ng pera ng asawa mo. Aalis na ako " sabi ko at bumaba na ng sasakyan nya.
----
BINABASA MO ANG
Addicted on you
Short StorySoonhoon fan fiction. wherein Kwon Soonyoung fall for Lee Jihoon to the point that he become addicted to him.