"JIHOON'S ""papa!!!!!!!" sigaw ko nang makita kong isinampay nya ang mga brief ko sa labas namin.
"bakit ba jihoon? Ang aga aga sigaw ka ng sigaw " sabi nya.
"Papa naman! Bakit dito sinampay mga underwears ko? " irat na sabi ko at pinag tatanggal yun dun.
"ey para matuyo agad. Kagabi ko Lang kasi yan nilabahan kaya dyan ko nilagay. Panigurado pag hindi yan natuyo mag aamok ka nanaman ey" sabi nya pa.
"hayts! Mamaya may makakita nyan dyan nakakahiya" sagot ko
"ano namang nakakahiya dyan jihoon? Buti kung yung ano mo ang nakasampay dyan dun ka mahiya "sabi nya pa at iniwanan ako. Iba din?sya pa nagalit ganon?
Dalawa nalang kami ni papa na mag kasama, nag iisang anak lang ako kaya ayan kahit mga underwear ko sya nag lalaba, kahit college na ako.
"Jihoooooooooooon hyuuuuuuung" sigaw ni Seungkwan sa labas.
"wait laaaaaaang " sigaw ko din at kinuha ang bag ko.
"saan ka nanaman pupunta Lee Jihoon? " tanong ni papa.
" kala Jeonghan hyung lang kame pa "sagot ko
"wag ka mag papagabi may pasok na bukas " sabi nya pa. Tinanguan ko lang sya at Lumabas na ako.
Pupunta kame kay Jeonghan hyung kasi? Ewan ko bigla nalang sila nag aya.
"napano ka hyung? Parang beastmood ka? " tanong nya.
"wala lang "sagot ko.
"huh? " sabi nya pa at parang sinusuri ang mukha ko . Alam na alam talaga neto pag may problema ako ey.
"sabihin mo na hyung, nahihiya kapa ey wala ka naman nun! " sabi nya kaya nabatukan ko sya.
"gago!" sabi ko tapos tumawa sya.
"ano nga? Jusko! Pasuspens pa " sabi nya.
"yung mama ko kasi, pumunta samin kagabi " paguumpisa ko.
"ohmyghaaaaaaad may mama ka pala? " sabi nya.
"gago ka? Mabubuo ba ako Kung wala? " tanong ko
"ay nabuo ka ba?akala ko pag Papa lang ang gumawa ganyang height lang talaga myghaaaa-" di nya pa natatapos sasabihin nya nabatukan ko sya ulit
"jowk lang sige kwento mo na " sabi nya at nag peace sign. Tsk!
"ayun nga pumunta sya kagabi para ipaalam samin ni Papa na mag papakasal na sila nung lalaki nya "sabi ko. 2yrs palang silang magkahiwalay ni Papa tapos 1yr nya palang kakilala yung lalaki nya papakasalan nya agad?
"anong sabi ng Papa mo? " tanong nya pa
"congrats daw "sagot ko
"ganun lang? Walang murahan na naganap? " tanong nya
"mabait kasi si papa tsaka mahal nya si mama kaya kung saan magiging masaya si mama sinusuportahan nya nalang " sabi ko
"grabe naman, ey ikaw? Tanggap mo ba?" tanong nya. Di ako sumagot mahalaga ba yung nararamdaman ko? Ey nung nag hiwalay nga sila kahit ayaw ko ginawa nila ey.
"SOONYOUNG'S "
"Young Master umuwi ka muna daw po sa bahay nyo ngayon " sabi sakin ni Mr.Kim.
"ayoko sabihin mo kay Mr.Kwon nag punta ako sa ibang bansa "sagot ko at nag takip ng unan. Ang aga aga pa kasi tapos mang gigising para lang dyan? Tsk!
"young master, bukas na po ang kasal ng daddy nyo at ng tita Jiyeon nyo. "sabi nya pa.
Wala akong nagawa kundi ang tumayo at dumiretso sa cr.
Mag papakasal pa kasi mag hihiwalay din naman tsk!
"Soonyoung umayos ka ng upo!"
"Soonyoung natatapon na yung kinakain mo!"
"Soonyoung "
"Dad! Ano ba? Pinapunta nyo ba ako dito para lang pagalitan? "irat sabi ko kanina pa kasi soonyoung ng soonyoung parang tanga ey.
"hayaan mo na kasi sya honey, dyan sya komportable ey. Just let him be " nakangiting sabi ng babae nya hayts irat na irat ako sakanya lalo na pag ngumingiti sya. Hindi makatotohanan yung itsura parang sobrang bait.
"btw, soonyoung dito kana ulit titira sa bahay natin- "di pa natatapos ni daddy ang sasabihin nya sumabat nako
"Dad College na ko sa pasukan hayaan nyo na ko, tutal mag papakasal naman na Kayo" sagot ko
"Soonyoung para sayo din tong ginagawa ko "sabi nya tsk! Para sakin kelan kaba nagka paki sakin?
"Soonyoung alam mo ba, may anak din akong lalaki kaidad mo sya panigurado mag kakasundo kayo pag dumating na sya dito "sabi ng babae ni daddy
"ayun kaya nyo ako pinapabalik dito? Para di naman masyadong lugi sakin kung dito titira yung anak nya?" sabi ko kay daddy
"soonyoung umayos ka!"bulyaw ni daddy
"ikaw ang umayos Dad! Kayo ang umayos! Pinatira mo na nga dito yang babae mo pati ba naman anak nya? Baka nakakalimutan nyong kay mommy ang bahay na to"sabi ko sakanila
"Soonyoung! Saaming dalawa ng mommy mo ang bahay na to kaya Kung sino ang gusto Kong patirahin dito papatirahin ko "maotoridad na sabi nya
"edi ako nalang ang aalis "sabi ko at tumayo sa kinauupuan ko
"pag lumabas ka ng bahay na to di kana makakabalik "sabi nya pero nag lakad parin ako palabas.
"Hindi ka pwedeng tumira sa condo mo dahil ako bumili nun " sabi nya pa pero di ko parin sya nililingon
"hindi mo magagamit ang kotse mo ako din bumili nun pati mga atm mo"sabi nya pa. Binato ko sakanya ang susi at yung mga credit cards ko at tuluyan ng lumabas.
may naiwan pa naman sakin si mommy kaya di ko kailangan ng yaman nya tsk!
--🌸🌸🌸--
BINABASA MO ANG
Addicted on you
Historia CortaSoonhoon fan fiction. wherein Kwon Soonyoung fall for Lee Jihoon to the point that he become addicted to him.