==============
Jessica's POV
"Ahh hello po! Magandang gabi po sa iny... KEVIN?!"HINDI AKO MAKAPANIWALA! O.O
"Ahh so-sorry sorry. Napasigaw ako. Sorry. Mom, Dad, akyat na muna ako sa taas may kukunin lang."
"Ha?? Ahh oo sige. Balik ka kaagad ha?" - DaddyUmakyat na ako sa taas. Tumingin ako sa salamin. Haaay! Ang ganda ko talaga. Choss! Totoo naman ehh!
Sa dinami dami ng best friend ng Dad ko, pamilya pa ni Kevin!? Hmm... Mabuti na nga kung ganun. Gusto ko naman ehh. HAHAHA!!
Bumaba na ako.
"Ohh anak. Andyan ka na pala, kumain na tayo." - Mommy
"Ahhh o-opo opo."
"Oo nga pala, bat ka napasigaw kanina? Teka, mag kakakilala na kayo?" - Daddy
"Ahh, yes Tito. Nag kita napo kami sa school kanina lang. Ahh, kami kasi napili ni Kuya Louise yung trainor nila na kami daw yung mag babanda sa kanila." - Kevin John
"Ahhh ganun ba? Well, that's good." Daddy
Tahimik lang ako habang kumakain. Ang akward kasi. Makatingin nga sa kanya.
Gosh! Gwapo talaga! Cute pa! Hahaha!!
"Ohh anak, titig ng titig ka kay Kevin ahh? May somethi-" - Mommy
"Mommy talaga!! Wala po, tinitingnan ko lang kung anong meron sa labas."
Matapos ang ilang minuto...
Ang awkard naman! Si Mommy kasi kausap niya si Tita Jane. Si Daddy naman! Kausap niya si Tito Josh! Bahala na basta bibilisan ko nalang to tapos matutulog na! Hahahaha!!
Pero teka, huwag na nga bahala na kung awkward basta mag katabi kami! Yieeee!!
"Ahh, hi Sica!" - Kevin John
Wieee!! Kinikilig akoo!!
"Ahh, hi Kevin!"
"Ahhm, ang awkward ano?" - Kevin John
"Oo nga ehh! Hahaha!!"
"Online ka mamaya ahh? May sasabihin ako sayo." - Kevin John
"Haa?? Ano yun. Dito nalang. Kaharap na kita ngayon so sabihin mo na. :)"
"Mamaya na. Hahaha!! Lalong aawkward. Basta mamaya ahh? Pauwi namin ng pamilya ko, mag fafacebook agad ako. Hihintayin kita. :)" - Kevin John
"Hahaha okay!"
"Ahhh Kevin. Let's go now. Ahh Will salamat ahh? Kita nalang tayo bukas sa office. Salamat ulit pre ahh?" - Tito
"Walang problema yun. Sige pre!" - Daddy
"Ahh Jessica! Bye!! Ingat ka! Ingat rin po kayo Tita Jane, Tito Josh! Maraming salamat po!" - Kevin John
"Sige iho! Ingat kayo ng pamilya niyo!" - Mommy"Bye Kevin! Ingat ka rin! *sabay smile sa kanya*"
Tumingin si Kevin sakin at nag smile! Yieeee!! HAHAHAHA!! Best night ever!!
"Mom, Dad, matutulog napo ako. Good night po*sabay kiss sa cheeks ni Mom and Dad*"
BINABASA MO ANG
Love Is... [KrisSica Oneshot]
FanfictionHindi ko na magagawang pasayahin siya. Ang sakit. Ang sakit sakit.