First day of school. Grade 8 na ako. May bagong transfer na gwapo, swerte namin dahil sa section namin napunta. Actually kilala ko na sya matagal na.
Late ako nang first period. Pagt bukas ko ng pinto nagsasalita na yung adviser namin, kaya agaw eksena ko.
"Crystaaaaaalll!" Sigaw ng mga abnormal kong kaklase.
"Bakeeeett?!" Sigaw ko din. Habang tumatawa.
"HAHAHAHAHAHA" Tanging malakas na tawanan yung narinig ko.
"Ms. Mariano have a sit" eka ng teacher namin. Kaya umupo na ako.
Nagpapakilala isa isa yung mga kaklase ko kase nga may mga transfer kaya dapat makilala sila. Nang ako na yung magpapakilala nakatingin silang lahat sakin.
"Hi :) My name is Crystal Joy Mariano. 13 yrs old." Pagpapakilala ko.
Kasunod ko namang nagpakilala yung transfe na gwapo. "My name is Zyno Gulfan. I came from CIC" pagpapakilala nito.
Napatingin ang lahat sa kanya. Kasi nga gwapo siya pero may pagka suplado nung una.
Halos lahat sila nakangiti, habang ako nakatingin lang sa kanya.