Okay, break na namin. Nilapitan ko yung tatlong transfer at nagpakilala at nakipag kaibigan ako. Yung dalawa nakipag shakeshand pero si Zyno, wala nakadukdok lang. Parang walang narinig.
Halos sa buong period nakadukdok lang siya at walang gustong kausapin.
-----
Uwian na, Cellphone agad ang hawak ko para magbukas ng Fb. Nang bigla akong may nakitang status na patama sakin.
"Yung babaing kanta ng kanta kanina" Yan ang nakalagay. Kasi naman ako yung maingay at kumakanta.
Magcocomment sana ko pero nagdalwang isip ako.
Biglang may nag chat sakin kaya tumunog yung cp ko. At bigla ko namang tinignan.
"Zyno Gulfan sent a message" Yan ang nakita ko sa screen ng cp ko. Agad kong tinignan.
"Anne Curtis" Nakalagay sa message.
"Ha?" Reply ko.
"Kaingay mo kanina, kanta ka ng kanta" Eka pa nya.
"Haha. Ganun talaga :D" Sagot ko.
Humaba ng humaba ang usapan namin. Hanggang sa halos araw araw siya ka-chat ko.