Prologue

43 1 0
                                    

"Kelly..." sabi ni Enzo habang naglalakad sila.

"Hmm, bakit Enzo?" sagot ko nalang kay Enzo.

Nagbuntong hininga muna si Enzo at sinabi "Ba't mo ko sinagot agad?"

"Di naman kasi panliligaw yung pinapatagal eh, Yung relasyon yun. Ah sige, pasok na ko. Ingat s pag-uwi." Sagot ko habang nakangiti at agad akong pumasok ng bahay ngunit pinigilan ako ni Enzo.

"O? bakit?" 

Nagulat ako at tinaas ni Enzo ang pinky finger niya "Pinky swear, di mo ko iiwan. Kahit anong mangyari, di tayo mag gigive-up sa isa't isa at lalo ng di natin iiwan ang isa't isa"

Natawa ako sa sinabi ni Enzo. Parang ang bading. HAHAHAHA "Tigilan mo nga yan Enzo, ang bading tignan, HAHAHAHA" 

Sumeryoso ng mukha ni Enzo. "Di to joke or kung ano. Seryoso ako. Please Kelly. Bading mang tignan, seryoso prin ako, lalo na pgdating sayo" 

Sumeryoso na din ako. Pikunin pa naman tong lalaking to -_-.

"Pinky swear?" sabi niya, out of the blue.

Sinagot ko ang pinky swear niya. "Pinky swear, di kita iiwan kahit anong mangyari and i will never let go of you hangga't di mo sinasabi" 

Nakatingin siya sa kamay namin at bigla siyang kumawala. Niyakap niya nalang ako bigla. Hay, it feels so good na yakap yakap siya. I feel safe in his arms.

"Promise ko to sayo, ikaw lang mamahalin ko. Mahal na mahal kita Kelly, salamat sa lahat" Sabi niya at hinalikan niya ako sa noo. "Sige na, pasok ka na. Makita pa tayo ng pamilya mo. Kita tayo sa school bukas. I love you" Kiniss niya ako ulit sa noo at umalis na siya. 

Pumasok na ako agad sa loob, nilagay ko lahat ng gamit ko sa kama ko at humiga ako. Tinext ko na din si Enzo.

To: Enzo :) :* 

Ingat sa pag-uwi Enzo :* I love you :* kita nga sa school bukas ;) :* 

Sent: 07:15:30 pm | today

Di na ako naghintay ng reply niya, inaantok na ko eh. Goodnight :)) 

Pinky SwearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon