Chapter 1 - Kelly

20 1 0
                                    

Kelly's POV

She got a body like an hourglass, but i can give it to you all the time.

She got a booty like a Cadillac, but I can send you into overdrive ~

6 ng ng umaga, ganda ng alarm ko o, oha oha.

Good Morning readers and people of the republic of the Philippines. Ako si Kelly Gonzalez. The one and only Kelly.

Eto ng hobby ko every morning, mag twitter, text at fb. Ewan ko kung bakit pero masaya ako pag ginagawa ko to.

"Kelly! Bumaba ka na at kakain na!" Siga ng aking nanay sa baba -_-, kahit sinisigawan ako niyan, kahit inuutos utusan, Mahal ko parin yan. Kasi kung wala siya, wala din ako sa mundo na to.

"Opo ma!"

"Paano ba naman, pagkagising na pagkagisng, fb, twitter at text ang inatupag" mama naman eh -_-

"Bilisan mo na nga at ayoko malate sa unang araw ng pasukan sa school"

Speaking of the devil, nagsalita ang kuya kong magaling. Siya nga po pala si Kurt Gonzalez. Pinakamayabang at basagbulero kong kuya. Leader ng Red Dragon group. Lahat ng utos niya dun sa grupo niya, nasusunod. Hanggang dito sa bahay.

"Oo na kuya eto na tatayo na!" Hay nako...

Agad agad akong tumayo, baka mabuhusan pa ko ng tubig dito ni kuya eh. Naligo na rin ako t nagbihis ng damit. Diretso takbo sa baba at sasabay ng kumain kasama si Kuya at Mama.

"O ayan anak, bacon and egg. Favorite mo" sabi saakin ni mama habang inaabot ang ulam ko. Hay, di ko talaga alam gagawin ko pag wala si Mama.

"Hay nako ma, wag mo ngang bine-baby yan. Na so-spoiled eh" Iritang sabi ni kuya. Kahit kailan talaga epal tong tanda na to eh.

"Hoy tanda!! Wag ka ngang epal diyan. Mahal lang ako ni Mama eh. Porket iniwan ka lang ni Ate Steffi eh" sabi ko hbang dinidilaan si Kuya.

Biglang tumayo si Kuya. "Wag mo nga akong matawag tawag na 'tanda'!! Isang taon lang agwat ko sayo! At wag mo idamay si Steffi dito!" sabi niya at tumalikod sa hapag kainan. Maya maya ay bumalik ito at may sinabi sa akin, "Bilisan mo na, ayoko malate. Sabay na tayo pumasok. Handa ko na yung kotse" tas un, lumabas na siya sa bahay.

"Easy ka lang sa kuya mo, at pag magbabangayan kayo, wag mo idamay si Ate Steffi mo. Alam naman natin na mahal na mahal siya ng kuya mo. Di niya kaya yung nangyari kaya naging ganun siya" Tama si mama, si Ate Steffi lang nakapag bago sa kanya ng ganun, Si ate Steffi lang ang minahal niya ganun. Maybe next time iwasan ko ng banggitin Ate kay kuya at baka ma-bad mood si Kuya.

"Sorry ma. Magsorry nalang ako kay kuya sa biyahe. Alis nako ma! I love you" sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama.

"Sige anak, ingat ka! Yung sa kuya mo ha, wag mong kalimutan" mama naman eh haha di naman ako makalimutin >:D<

Lumabas ako agad ng bahay at hinanap si Kuya. Andun siya, nakaparada ang kotse niya sa tabing puno na madalas nilang tambayan ni Ate Steffi. Hay, ba't ko pa kasi pinaalala si Ate kay Kuya eh. Agad naman kong lumapit kay Kuya. Nakaupo lang siya at di man lang napansin na dumating ako. MUkhang malalim ang iniisip niya kaya tumabi ako sa kanya.

"Ano tinitingin-tingin mo diyan? Halika na at baka malate pa tayo" sabi niya at agad siyang tumayo.

Pinigilan ko kamay ni Kuya, ewan ko kung bakit ko ginawa yun. "Mamaya na kuya, upo muna tayo. Medyo malapit lang naman yung school natin at may 15 minutes pa. Please?". Sinabi ko yun habang nag pu-puppy eyes.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pinky SwearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon