CHAPTER 5

28 4 4
                                    

JenJen POV

May pinuntahan si Claire kasama mga kaibigan niya. Bakit nga ba ako nag aalala dun? Kaya naman niya yung sarili Niya. At kinamumuhian ko naman siya dahil sa pagka wala ng magulang namin.

Tumango nalang ako bilang sagot ko kay manong driver. Bibilhan ko nalang siya mg pagkain pagkatapos namin kumain sa cafe.

Pagpasok ko sa cafe na sinabi ni Alexandra, maganda naman siya at mukhang masarap yung mga pagkain.

End of Jensen's POV

Claire's POV

Lumabas na kami ng school at pumunta sa Chocolateyy cafe kung saan kami nag tatrabaho. Naglakad lang kaming tatlo papunta sa cafe total malapit lang naman sa school namin.

Dumating na kami at binati Kami ng mga co-worker namin.Pumasok na kami sa isang kwarto kung saan may mga locker at dun namin ilalagay mga gamit.

Nagpalit kami ng uniform dahil magtatrabaho na kami. Habang nagpapalit ako, natigilan at kumunot ang noo ni Wincel at Shawn kaya nagtanong ako sa kanila.

"Oh bakit ganyan kayo maka tingin sa akin?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Nakita ko rin na nagtutubig ang mata ni Shawn.

"Shawn? Okay Ka lang ba? Bat nag tutubig uang Mata mo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya, hanggang sa tumulo na ang kanyang luha agad ko naman itong pinunasan.

"Uy ano ba? Ano ba ang problema ninyong dalawa ha umiiyak kayo jan?" Natatarantang tanong ko ulit.

But this time tumingin sa akin si Wincel at umiiyak siya? Omayghad

"C-claire?" Nauutal na saad sa akin ni Wincel na patuloy paring umiiyak.

"S-sino a-ang m-m-ay g-gawa nyan sayo?" Nauutal parin siya at itinuro ang tiyan ko na may pasa. Agad ko naman itong tinakpan.

"A-h Eh" bat ba ako nauutal. "Nahulog lang ako sa hagdan kagabi kaya may pasa sa tiyan ko." Pagsisinungaling ko. Ayaw kong mag-alala sila dahil sa akin

"HUWAG KA NGANG MAGSINUNGALING CLAIRE LIV MONTEVERDE!" nagulat ako ng may sumigaw ng buong pangalan ko at nakita ko si Shawn na naka tingin sa akin.

Natakot ako dahil ngayun ko lang siya na kitang ganito at sinigaw ang buong pangalan ko.

"SINASAKTAN KABA NG MGA KAPATID MO?" Sigaw ni Shawn kaya napayuko ako. Never pa akong nag sinungaling sa kanilang dalawa ngayun lang.

"Sabihin mo sa amin ang totoo Claire huwag kang magsisinungaling, dahil kitang Kita sa mga mata mo." Mahinahong saad ni Wincel.

Napayuko ako "O-oo s-sinasaktan n-nila a-ako" nauutal kong sagot.

Napaangat ang ulo at nakita ko si Wincel na kinagat ang Labi para maiwasan ang pag hikbi, dahil umiiyak na siya.

"Kailan lang ito nangyari?" Mahinahong tanong ni Shawn pero alam kung galit siya.

"Matagal na simula nung mawala sila mom at dad." Sagot ko kay Shawn.

Biglang napahawak si Shawn sa kanyang bibig dahil sa kanyang narinig.

Dalawang taon na ang lumipas simula nung mawala sila mom at dad kaya Dalawang taon narin akung sinasaktan at nag durusa dahil sa mga kapatid ko.

"Bakit ngayun mo lang sinabi sa amin to?!" Medyo pasigaw na saad naman ni Wincel

"Ayaw ko kasing mag- alala kayo at ayaw kong madamay kayo sa away naming magkakapatid kaya naglihim ako sa inyo. Sorry. Im so sorry." Umiiyak na sabi ko sa kanilang dalawa. Lumapit silang dalawa at niyakap ako.

"Sa susunod huh wag ka nang maglihim sa amin?. Tutulungan ka namin. Hindi ka namin pababayaan.Walang kahit na sino man ang pwedeng manakit sayo lalo na yung mga kapatid mong bruha." Sabi ni Shawn.

Na touch ako sa sinabi ni Shawn. Pero medyo natawa kaming dalawa ni Wincel dahil sa pag tawag ni Shawn sa mga kapatid ko na Bruha.

Lumayo na kami sa pagkakayakap at tumawa. Ganyan kami eh mga baliw.

Nag hilamos kaming tatlo para hindi mahalata na umiiyak kami.

Biglang bumukas ang pinto at nakita namin si En isa din siyang working student dito sa cafe.

•~~~~~•

Hello Chubbs💜
Sorry if ngayun lang ako naka pag update. Busy kasi ako sa school💜
Sorry sa grammar and errors.💜
Thank you sa pagbasa ng story ko.💜 Sana magustuhan niyo.Thank you💜

I purple you💜 muah😘

MY SISTERS HATES MEWhere stories live. Discover now