Chapter One

21 2 0
                                    

All rights reserved. © 2014

Chapter One

Like seriously? Pati naman hanggang dito sa school bus ayaw kaming paghiwalayin?

Itong mga kaibigan ko ang sarap itali at itapon sa Amazon River. Paano ba naman nagpartner-partner sila at ako lang ang natirang wala.

Pagkasakay pa sa bus, taken na yung ibang seats except dun sa inuupuan ni Corbin. Wala naman akong choice diba? Alangan namang tumayo ako dun edi napahiya lang ako.

"Ehem..." Sabi ko. Hindi kasi ako makaupo. Nakakahiya kasi sa bag niya eh. Tumingin siya sa akin pero agad ring tumingin sa bintana. Aba!

Alam ko namang wala 'tong mahahantungan kaya kinuha ko yung bag niya at binagsak sa kanya. At least hindi sa lapag diba?

Buti naman at hindi na siya nagsalita pa. Tumingin ako sa likod at sinamaan ng tingin ang mga nagtatawanan. 

Bakit ba ganun. Minsan naiiyak na lang ako sa mga situation. Bakit ba kasi ayaw kaming paghiwalayin? Kaya ko namang mabuhay ng wala siya. Bakit? Ano ba siya sa buhay ko? Wala naman eh. Ni hindi nga kami mag kaibigan niyan.

16 years old na ako siya naman malapit na mag seventeen. Kailan ba kami malalayo sa isa't isa? Kung ipasent ko kaya 'to sa Mars ng mawala. Ganun na lang noh?

Ayaw pa kasi akong bilhan nila mommy ng sarili kong kotse para hindi na sila magbabayad ng pang school service. Minsan nakakainis rin 'tong bus na 'to. Kung hindi ka iiwan, masisiraan naman.

Tapos katulad ngayon, wala nanamang upuan at napilitan pa akong umupo katabi nito. 

Pagkahinto ng bus, agad-agad akong bumaba at hindi pinansin ang mga tumatawag sa pangalan ko. Bahala kayo dyan.

Agad kong pinuntahan ang locker ko.

Naglagay ako ng lip balm, mascara at onting powder. Mahirap ng hindi ka ayos sa class lalo na kapag andun ang crush mo. Payag ka bang mapagtawanan sa harap niya or mas malala kung ikaw pa tawanan niya? Yeah right.

"Bailey naman! Alam naming kinikilig ka kanina sa bus dahil nakatabi mo si Corbin. Pero please lang, wag mong dibdibin yang nararamdaman mo. Let it out! Iexpress mo!" Pinukpok ko siya ng notebook sa ulo.

"Ehh kung iexpress ko kaya sa'yo kung gaano ako kakasakit manukpok? You want?" Nagpeace sign lang si Mina.

"Ito naman hindi mabiro..asus. Pahiram nga ako ng salamin. Ang hangin sa labas, nagulo ang aking precious hair." 

"Ohh...isabit mo na dyan sa buhok mo." Sinarado ko na yung locker ko at nagpunta na sa first perio--which is Mathematics. The heck. Monday nga pala ngayon.

Ang aga-aga makikita namin yung teacher naming mataray. Nakakainis pa naman yun. Ang daming bawal sa klase niya.

Agad akong umupo at nilabas ang IPhone ko. Fifteen minutes pa naman mags-start ang class.

"Hi Bailey." Tumingin ako sa nagsalita. It was Kyle.

"Hi." Ngumiti ako. Kyle Jeffersonn. Number 07 player in football (Rugby; not soccer).

"Invite kita for the party later for the welcoming." Two weeks na from now nagsimula ang pasukan ahh. Late party, eh?

"Sure. Anong oras?"

"7pm. At my house. Aasahan kita dun. Invited kahit sino. You can bring your friends as well." Ngumiti ako ulit as my response.

"Good Morning, class!" Oh no. She's here.

Let the day begin. Just great.

The Perfect DuoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon