Chapter Two

10 0 0
                                    

All rights reserved. © 2014

Chapter Two

It's now lunch and two more subjects and we're out of this hell.

"Large fries and ultimate sundae." That's the only food I'm eating. Wala ako sa mood kumain. Nagbayad na ako at umupo sa pwesto namin. I need to wait for my food.

Buti pa sila kumakain na ako hindi pa. Paano kasi late kami pinalabas. Nakakayamot.

"Girls, pupunta ba kayo sa party later?" I asked.

"Nabalitaan ko nga. Syempre ako pa, of course pupunta ako." Sabi ni Jessica.

"I guess I'm coming too. Walang tao sa bahay mamiya eh." Sabi naman ni Mina. Tumingin kami kay Athena.

"What? Ohh...hindi eh. Walang magaalaga kay Rocky."

"Aww..."

"Large Fries and ultimate sundae." Thank goodness andyan na. Nagugutom na ako at nagc-crave pa naman ako ngayon ng sundae.

Nagulat ako ng may nakita akong isa pang kamay na nakahawak sa tray. 

It's Corbin Finlay.

"Bitawan mo nga. Nagugutom na ako."

"Anong pake ko? At bakit ko naman bibitawan. Is this your food?"

"Oo! Ipakita ko pa sa'yo yung resibo ko eh. Kaya bitaw na." Nakahawak pa rin siya sa tray.

"No. This is mine and not yours." What?

"Baka naman nagkakamali ka."

"Baka naman ikaw yun. Ako ang nauna mag order kaya sa akin ito. Balikan mo si manang dun." Binitawan ko na yung tray at pinanood siyang umalis. Napaka gentle man niya talaga. Grabe.

"Ate...wala pa ba yung order ko na large fries at ultimate sundae?"

"Meron pang large fries kaso wala ng sundae. Nasira yung machine eh." What! Naku naman.

"Okay na yung order mo ahh. Hindi mo pa ba nakukuha?"

"Ha? Ano kasi....wait...sa akin ba yung order kanina."

"Oo. Ikaw lang naman ang huling bumili nun." Agad naginit ang ulo ko. Pumunta ako sa table nila Dean.

"Hoy Corbin Finlay! Pagkain ko ang kinuha mo!" Tumahimik ang mga ibang tao but I don't care.

"Parang fries lang at sundae kinukuha mo pa?" Dagdag ko.

The Perfect DuoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon