41 NR

320 7 12
                                    

Zavia

"Hoy kapatid, bangon na. May nag-hihintay sa'yo sa baba."

"Huh?"

"Anong huh ka diyan? Bilisan mo! Ikaw ha, may boyfriend ka na pala hindi mo sinasabi!"

"WALA AKONG BOYFRIEND KUYA!"

"Bilisan mo na!"

Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis sa kung sino mang poncio-pilato ang nang-istorbo ng tulog ko!

Agad akong nagbihis ng pamasok at bumaba na para mag-almusal ng makita ko si Yang kasama sila Mama!

"HOY! ANONG GINAGAWA MO RITO?!" Tanong ko sanay turo sa kan'ya.

"Anak! H'wag ka namang gan'yan sa boyfriend mo! Anak, pagpasensiyahan mo na si Zavia ahh, gan'yan-gan'yan lang 'yan pero mabait 'yan." Sabi ni Mama sabay lagay ng hotdog sa pinggan ni Yang.

"Whatever, sa school na lang ako kakain! Goodbye!" Sabi ko at nagmamadaling magsapatos.

"Sandali Zee! Tita, thank you po sa alumsal. Good bye po!" Narinig ko naman si Yang na nagmamadali ring humahabol sa akin.

Nang makalabas ako ng bahay ay nagmamadali akong tumakbo para hindi niya ako abutan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana at napakabilis niyang tumakbo! Nang makahabol siya sa akin ay bigla siyang umakbay.

"Ano ba! Alisin mo nga 'yan!" Sabi ko sabay hawak sa palapulsuhan niya at pilit inaalis ang kamay niya.

*DUGDUG.DUGDUG.DUGDUG.*

"Ayoko nga." Sabi niya. Wala naman na akong nagawa at hinayaan na lang siya.

Rivalry [WAYV YANGYANG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon