76 NR

270 5 32
                                    

Zavia

Nagkita kami ni Yang sa room ko dahil sinundo niya ako. Inggit na naman kayo 'no? May sumusundo kasi sa'kin sa inyo wala! Anyway, papunta na kami ni Yang sa shop ng Mom niya. Medyo kinakabahan nga ako ehh! Parang meet your mother-in-law lang! Nakakakaba kasi! What if hindi ako magustuhan ng Mom niya? Sandali nga! Bakit ba ako kakabahan eh hindi naman kami?!

"We're here." Sabi ni Yang at medyo tulala parin ako.

"Pfft. Relax Zee, don't worry about my mom." Sabi niya at medyo napangiti.

ANG CUTE MO TALAGA YANG!

"Hindi ako nagwoworry about sa mom mo 'no!" Sabi ko at nagsimulang tanggalin yung seatbelt ko pero hindi ko matanggal!

"Here, let me help you." Sabi ni Yang at medyo lumapit ng kaunti yung mukha niya sa akin. Napa-iwas naman ako ng tingin at napalunok. Super affected talaga ako kapag malapit si Yang.

"T—thank you." I said and ngumiti na naman siya! Stop it already!

Nang pagbuksan ako ni Yang ng pinto ay agad na kaming dumiretso sa loob ng shop.

"Yang my baby!" Napalingon kami pareho ni Yang sa isang mid-40s na babae na tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"Yangyangie ko! Ang cute talaga ng baby ko! Ha! Anak, is she the one you're telling me? She's so gorgeous anak!" Sabi ng Mom niya sabay turo sa akin.

"Mom, stop calling me your baby. And don't make me feel embarassed Mom." Sabi ni Yang sabay kamot sa batok niya.

Bumulong la nga si Yang sa Mom niya and nag-thumbs up naman yung Mom niya. Umalis naman muna si Yang at baka bibili ng pagkain.

"Hello po." I said then nag-bow.

"Hello din ija. Kumusta kayo ni Yang?"

"Ha? Wala pong kami. Hehe."

"Ayy talaga?" Sabi ng Mom niya sabay pout. Ang cute ng Mom ni Yang.

"Upo ka muna ija. What dress color would you like?"

"Blue na lang po siguro Mrs. Liu." Sabi ko sabay tawa ng medyo akward.

"Ayy ija, call me Mom. Since alam kong kayo naman ang magkakatuluyan ng anak ko!"

"Hehe." Tumawa na lang ako at nakisabay sa trip ng Mom ni Yang.

"Alam mo ija, I remember myself to you. Back then, ganyan-ganyan din kami ni Yang. Carbon-copy si Yang ng tatay niya."

"Ayy ganon po ba?"

"Yes. And ang akward ko pa nga dati ehh. Si Yang, ganyan-ganyan lang siya pero mabait 'yan. Hindi siya ganon ka-showy but I know he really loves you. And ikaw at ikaw lang ang babaeng kinausap niya." Sabi ng Mom niya.

"Po? What do you mean na kinausap po ay ako lang?" I asked confused.

"Ganito kasi ija, you first met in—."

"Mom!" Napalingon kami sa sumigaw at si Yang pala iyon. Nagkibit-balikat na kang yung mom niya and ayun.

"Ija, dapat hindi makita ni Yang yung gown mo okay? So let's go to the VIP room."

"Ayy, salamat po. Mom. Hehe." Agad kaming nagpunta sa VIP room and marami si Mom na pinasukat na dresses sa akin but isa lang ang nagustuhan ko talaga.

"Oh my anak! You look gorgeous already! Nako! Ang galing talaga pumili ng anak ko!" Sabi ng Mom ni Yang at napangiti na lang ako ng akward

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh my anak! You look gorgeous already! Nako! Ang galing talaga pumili ng anak ko!" Sabi ng Mom ni Yang at napangiti na lang ako ng akward.

Rivalry [WAYV YANGYANG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon