JINAH'S POV
Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ni Minho, pwede na kasi syang umuwi at nasa baba si Woojin para bayaran ang bills. Busy sina Jisung, felix at Changbin na manood habang sina Seungmin at Hyunjin ay busy sa phone nila, si Minho naman ay nasa cr nagbibihis. Pagkatapos kong mag ayos ay humiga ako sa hospital bed na hinigaan ni Minho nung mga nakaraan na araw.
Lumabas na si Minho suot ang simpleng shirt at jeans niya.
Ba't ang gwapo? Putek.
"Babe" tawag ni Minho sa akin sabay higa sa tabi ko at yumakap na para bang ahas. Sabagay ahas naman talaga siya.
"Hmm" sagot ko.
"Uwi na tayo, gusto na kitang masolo" sabi ni Minho at sinubsob ang muka niya sa leeg ko. Naramdaman ko nalang na hinahalikan niya ito.
"..pag di ka tumigil diyan di tayo uuwi" banta ko sa kaniya.
" edi hindi ako titigil " sabi niya at patuloy pa rin sa ginagawa niya. Ugh.
"Minho..isa!"
" dalawa" pangangasar niya.
"Tumigil ka nga sabi ginagawa mo eh" sabi ko sa kaniya habang sinusubukan na itulak siya.
"Namis kita, babe" sabi niya at tumigil na siya sa paghahalik sa leeg ko.
"Kasama mo naman ako palagi ah, bakit mo naman ako namiss?" Tanong ko sa kaniya.
Simula nung maospital siya ay ako na ang laging bantay sa kaniya, ayaw niya daw kasi na may ibang nagbabantay sa kaniya kundi ako lang.
"hmm..wala lang, namiss lang kita " sabi ni Minho at hinalikan ako sa labi.
"HALAAA LIVE SEX! OMG! " naitulak ko na si Minho nang tuluyan dahil sa sigaw ni Hyunjin.
Tsk, andito pala sila, ba't ko ba nakalimutan yun? Nakakahiya tuloy.
"Maka-omg ka naman akala mong di pa sila nagsesex ng jowa niya" sabi ni Jisung.
"Feeling virgin eh HAHHAHA" sabi naman ni Changbin.
"Masarap ba Jinah?" Tanong ni Jisung. Inirapan ko lang siya. Tangina, nakakahiya.
"Lumabas na nga kayo! Nakakabanas naman kayo eh!" Sabi ni Minho.
"Mamaya nyo na ipagpatuloy yung paghahalikan nyo dahil aalis na tayo!" Sabi ni Woojin. Nandito na pala siya, akala ko nagbabayad parin siya.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang gamit ko. Sina minho naman ang nagbuhat ng mga gamit niya.
Lumabas na kami at dumiretso sa parking lot. Sumakay kami sa kotse ni Woojin at pumunta sa isang fast food chain, kung saan nagseserve sila ng mga chicken, ano pa bang aasahan natin diba? Kim Woojin yan eh.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na kami ni Woojin sa condo ni Minho, dahil dun daw ako matutulog sabi ni Minho. Dahil nga mahal ko siya, wala akong nagawa. Susulitin ko nalang muna 'to bago bumalik ang ala ala niya at bumalik siya sa girlfriend niya.
Pagpasok namin sa unit niya ay nanood muna kami ng ilang movies. Natapos kami sa panonood ng mga bandang 8pm, nagluto muna ako ng dinner namin bago mag ayos para matulog.
Nang matapos na akong mag ayos ay lumabas na ako ng cr at nadatnan ko si Minho na naka abang sa harap ng pinto.
"Babeee" tawag niya sa akin pagkalabas ko.
"Ano?" Tanong ko, pumunta ako sa salamin at nag suklay ng buhok. Napansin ko ang mga picture frame na may litrato namin dalawa. Hindi ba dapat litrato nila ng girlfriend niya ang nandoon? Hindi namin. Baka inalis lang nila Jisung at pinaltan ng picture namin.
Habang nagsusuklay ako ay naramdaman ko na niyakap ako ni minho sa likuran ko at pinatong niya ang ulo nya sa balikat ko.
"Babe..ang bango mo" sabi niya habang inaamoy ang leeg ko.Putek.
"Minho.." sinubukan kong pigilan siya pero..
"Mahal na mahal kita Jinah, sana patawarin mo ako " sabi niya. Iniharap niya ako sa kaniya at pinagdikit ang noo namin.
"Mahal na mahal din kita Minho" sabi ko at hindi inintindi yung isa niya pang sinabi. Hinalikan niya ako at hinalikan ko rin sya pabalik.
alam nyo na ang nangyari ( ͡° ͜ʖ ͡°)
BINABASA MO ANG
𝐜𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 : 𝐌𝐈𝐍𝐇𝐎 √
Fanfiction"𝘊𝘰𝘯𝘨𝘳𝘢𝘵𝘴! 𝘮𝘢𝘺 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘨𝘢𝘥" - 𝘊𝘩𝘰𝘪 𝘑𝘪𝘯𝘢𝘩 _____ 𝘓𝘦𝘦 𝘒𝘯𝘰𝘸 × 𝘠𝘰𝘶 𝘏𝘪𝘨𝘩𝘦𝘴𝘵 𝘙𝘢𝘯𝘬 𝘈𝘤𝘩𝘪𝘦𝘷𝘦𝘥 🏅#1 𝘔𝘪𝘯𝘩𝘰 _____