sa muling pagtatagpo

1.6K 22 3
                                    

Sa muli nating pagtatagpo

by:chocolate

 Kung sakaling hawiin ng tadhana ang mga daanan
At magsalubong ang ating landas sa iisang tagpuan,

Magpapanggap ako na hindi na kita mahal
Kahit na kasama ka pa rin sa aking mga dasal 

Kung sakaling biglang magkrus ang ating landas
At muling magkita ang matagal nang nagwakas,

 Hindi kita lalapitan o tititigan
Magkukunwari akong matagal na kitang nakalimutan 

Kung muling magtama ang ating mga mata,

 Pipigilan ko ang pagluha at ngingitian kita
Kung itatanong mo man sa akin ang salitang kamusta,

 Hahayaan kong marinig ng makakasaksing pasilyo
Ang malaking kasinungalingang sasabihin ko,

 Na okay lang ako 

Pangako, sa muli nating pagtatagpo,
Ang tunay kong damdamin para sayo ay itatago ,

Magpapanggap ako na hindi kita kilala
Kunwari wala tayong mga nabuong alaala 

Sa pagkikita nating muli,
Titiisin ko ang bawat sandali
Hindi ako magbabaka-sakali
Ipapakita ko sa aking mga pekeng ngiti
Na masaya ako kahit na hindi mo ako pinili 

Ang oras na muli kitang masisilayan
Kasama ng bagong taong nagbibigay sa'yo ng kasiyahan, 

Ay ang oras na dapat na akong matauhan
Na kailangan na kitang makalimutan
Lumisan sa mga alaalang naiwan
At humakbang palayo sa ating nakaraan

A\N: hope you like guys love lots hindi po akin yan tulang yan pero may ilalagay ko rin yung mga gawa ko , hindi ko po ito ninanakaw dahil nagpaalam ako sa may gawa ng mga tulang iuud ko sa inyo at pumayag sila kaibigan ko po yung mga may gawa so dont judge me gusto ko lang mabasa ng iba ang kanilang mga likha i have good intension po love lots guys 

MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon