Crush
by pudislaypoy crush baka naman
valentines ngayon
alam mo matagal na kitang gusto
yung tipong hinahanap lagi ng aking mata ang iyong anyo
hindi ko alam kung kailan nagumpisa
lagi kung tinatanong na bakit ikaw pa
ni hindi nga kita kilala
natuwa ako nong inadd mo ko
nagkaroon ng saya itong puso ko
dahil sa wakas alam ko na pangalan mo
pero nong inistalk kita
puta may jowa ka pala
masakit ng kunti
pero tiniis ko yung hapdi
napamura ako nong nag wave ka
pero mas lalo akong napamura na napindot mo lang pala
tangina
naalala mo ba nong umamin ka
puta nakakabigla
napapaisip ako na anong nakita mo
natawa ako sa naging dahilan mo
yung matagal ko nang kinaiinisan
ayun pala yung dahilan
kung bakit ka moko nagustuhan
hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko
Parang nabuhay lahat ng aking dugo
sabi ko sa sarili ko
ito na, na crush back na ako
pero napaisip ako
tama ba
tama ba na nagustuhan ko sya
tama ba na mahalin ko sya
tama ba piliin ko sya
ang daming tanong sa aking isipan
na walang paring kasagutan
kaya itinago ko yung katutuhanan
na ikay aking nagustuhan,
BINABASA MO ANG
MGA TULA
General Fictionito yung mga katagan may panama na kahit sino ay matatamaan ng bawat salitang may mga tugma na siyang nagpapaalala ng bawat sakit na iyong nakaraan halikat iyong basahin ang bawat tulang may malalim na kahulugan sa bawat mambabasa nito