Lesbian gay bisexual transgender
Lgbt
By: pudislayp
Lgbt? Ano nga ba ang kahulugan nito,
Lesbian gay bisexual at transgender ang bumubuo nito ,
Sila yung mga taong iniinsulto ,
Kinamumuhian dahil sa panlabas na anyo ,
Sa panahon ngayon marami nang tao ang tanggap kung sino sila ,
Pero dati halos ang mga tao ay kamuhiaan sila parang may sakit na nakakahawa ,
Sila yung mga tao na takot ilabas kung sino sila,
Takot na baka sakatan sila ,
Takot na baka kamuhian sila nang iba,
Maraming takot ang bumabalot sa kanila ,
Dahil sa panahon ngayon lahat ng takot ay nawala ,
Nawala na parang bula ,
May tao silang hinahangaan,
Yung mgatao na yun ang nagbigay inspirasyon at liwanag sa buhay ng may ibat ibang kasarian,
Isa sa mga ito ay si vice ganda Na syang naging daan Para hubogin ang mga ito na ilabas kung sino sila,
Kung minsan pa nga kung sino pa yung nanlalait sila pa yung kalait lait dahil sa kanilang hindi pagiging maunawain sa iba ,
Isa lang Ito ang katangian ng tao ,
Kaya maraming lgbt na takot isilabas at ipagsigawan sa lahat kung ano sila,
Hindi nyo ba alam na maraming nahihirapan dahil sa mga mapanghusga nyo mga mata Matang tinitignan lamang yung anyo nila,
Pero hindi makikita ng mga mata kung ano ang nasa loob nila ,
Para sa lahat ng lesbian gay bisexual transgender sumasaludo ako sa inyo,
dahil sa lahat ng panlalait at masasakit na salita ang binato sa inyo,
Nakayanan nyong tumayo,
Tumayo kayo ng nakataas ang noo,
Kaya sa mga taong mapanghusga,
Manood lang kau sa kanila,
Dahil sa bawat pangarap tinatahak ng bawat isa,
Silay ngingiti at aakyat sa entablado,
Dahil sa pagtatapos sa kolihiyo,
Ginamit nilang inspirasyon ang bawat masasakit na salita na inyong binabato,
Kaya sa lahat ng lgbt dyan ilabas nyo kung ano at sino kayo,
Taas noo nyo itong ipagmalaki sa Mundo ,
At dyan nagtatapos ang tulang ginawa ko
BINABASA MO ANG
MGA TULA
General Fictionito yung mga katagan may panama na kahit sino ay matatamaan ng bawat salitang may mga tugma na siyang nagpapaalala ng bawat sakit na iyong nakaraan halikat iyong basahin ang bawat tulang may malalim na kahulugan sa bawat mambabasa nito