Call Me Maybe

84 2 0
                                    

PROLOGUE :

Gra-graduate nalang ako ng college, at eto parin ako. Kasing single nang Monggol Num.1 Pencil.

Buti pa yung mga taong muhkang sumilong sa mga bahay nila ng nagpa-ulan ng kagandahan si Lord, may boyfriend. Eh ako?

WALA. As in. Zero.

Bakit kaya? Anong bagang kasalanan ko, Bro?

Eeeep. Di naman ako ganyan ka-sinungaling. Hindi ko naman masisisi kay Lord ( pati na sa mga binasted at ginaga ko ) ang pagka'forever alone ko. Lalo na kay Nathan.

Hey, Nathan Miguel Santiago. Ano nga bang napakain mo sa certified playgirl na ito, at nag seryoso ako?

Graduating student ako sa Academy of the Arts University ,Majoring In THEATRE ARTS. Pagpapaka'Broadway Star ang peg. But honestly, hindi yun ang gusto kong course. It was my dad's choice. And like the rest of his choices and the rest of destinies weird ways it led to the complication of my silly little life.

Good girl naman ako kung tutuusin. Compared to my older brother, na parang career ang pagka-lazy ass; at sa aking kambal na younger sisters na walang ginawa kundi mapatawag sa Principal's office.

Pero high school palang ako, freshman to be exact : sinagot ko na ang first boyfriend ko.

It wasn't a big deal, I guess. Pero dun ako naka-experience talaga ng steady relationship. Probably, a little more than one year, which is kinda serious at the age of thirteen. And obviously, naputol din yun. I was expecting a happy ending like in those fairy tales Daddy would always read. Yung tipong mga endings sa kanta ni Taylor Swift. But I guess, she was also right. I wasn't a princess, and real life isn't a fairytale. (CHAAAAAAAR! )

Super sakit nung nakipag'break sa akin si James. ( Oh, introducing his name aaah! )

Eh, malamang. Love na love ko kaya yun. Kahit na kilala ako sa school sa pagiging maldita, pag dating sa kanya, daig ko pa si Santino sa pagka'malambing at mala'anghel nuh!

That's why when we broke up, yumaman ang Selecta sa dami ng ice cream na nilaklak ko, pati na rin ang Kleenex sa lahat ng tissue na siningahan ko.

But after than, I got seriously pissed of. Bakit, kailangan AKO ang magka'ganito? Eh kung siya nalang kaya ang umiyak at magpaka'depressed hanggang ma-bading siya? ( Which did, happened! 0.0 )

So I got my first-ever Rebound guy. I know, I know. Ang sama pakinggan. But I didn't planned it. Sinagot ko siya kasi, he was nice. He was charming. He was cute. In other words, harmless. Gamitin lang ba para maka-get over. Unfortunately, the effect was long-lasting.

I learned that I could actually have the best among relationships. Hindi ko naman sinasagot, basta-basta. Mahal ko din lahat ng shunga na sinagot ko. Ang akin lang, inu-unahan ko once na feel kong Malabo na. Uunahan kong makipag'break. Oh diba? Bongga!

That kind of cycle went on and on until college na ako. Siguro by then I couldn't count my flings and had about 3 serious relationships, each only lasting 2 months.

Until I met Nathan.

Siguro naguguluhan na kayo. Siguro iniisip niyo, sino ba itong baliw na ito na parang high kung mag'drama? Siguro kung nabasa na ito ni Vice Ganda, at kung close kami nun, binatukan na siguro ako nun.

Ladies and Gentlemen, I am Issa Coleen Dela Pena. And this is my story.

Call Me MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon