Chapter 2
Drink Responsibly ;)
I always thought that the phrase “jaw-dropping” was too literal. Mali pala.
Kasi LITERALLY, napa’nga-nga din ako sa statement nila.
Kami? Nagka-balikan? Pwede bang magka-balikan nang hindi mo alam? O.o
“ The hell? Hindi maganda yang joke niyo. “ Ako naman ang umirap kay Nathan. Yung ugok na yun,
nakatayo lang sa gilid, hanggang tenga pa ang ngiti. Daig lang yung creepy na pusa sa Alice in the Wonderland.
Bwiset -.-
“Hindi ka yun joke. Ang lakas siguro ng tama mo, Iss! “
Err. Sa mga dialogue nitong bestfriend ko, transformer to maldita ang mangyayari eh.
“Ano ba?! AKO?! Makikipag-balikan? SA KANYA, pa lang din. Ewww! “ Puno ng disgust ang boses ko at super na a-annoy na.
“Spare me, Issa. Wag mo sabihin ganun-ganun na lang sa’yo yung nangyari kagabi? You’ve
handled way more than that at wala kang nakakalimutan. “ Taray ni Michi.
Umiling na si Nathan and the idiot looked confused. “Wait, do you mean… Wala kang ma-alala kagabi?”
Ay, Meron. Meron, kaya ako nagtatanong kasi meron akong na-alala. AAAAY, Stooopid. >.<
I sighed impatiently. “Wala nga eh! Maguguluhan ba ako kung meron? Tss. All I remember is that
we went out, had some fun. It was Sunday after all. Tsaka, I still remember crashing late at night.
Kaya alam kong walang himala na nangyari kagabi. “
The four of them shared a look. Obviously may nangyari.
“Kasi naman, hindi lang yun yung nangyari. Ikaw kaya yung angal ng angal na boring na, kaya
ayuuuun, “ Lumingon si Cat kina Michi for help mag-explain.
“Ayuuun, Party People ang tirada kagabi. “ Alli explained.
Tumaas to the highest level ang kilay ko. “Alam ko yun, ang hindi ko ma’gets.. anong connection
NIYON sa mokong na ito “ sabay turo kay Nathan.
“You got seriously drunk Isaa. Buti na lang andun si Nathan. “ Humina ang boses ni Cat.
Sumilip naman ako kay Nathan. In fairness, he knows me well.
Alam na niya kung kelan tatahimik pag kontrabida to the highest level na ako, at kung kelan
didistansya kapag Mt. Mayon ang pagputok ng feelings ko.
Unfortunately, kilala ko rin si Nathan. May pagkasensitive yun eh -.- Daig pa ako . Sincere kasi ang trip niya.
Eeeeei. Guilty moments -.-
Umupo na ako, wala kasing gamot sa varicose. “Tapos? Asan ba kasi kayo nun? “
Tumawa si Ali. “ Hello? Malamang, we weren’t at the right state of mind na rin. Pare-parehas kasi
nating nilabas ang bad vibes natin. We all got carried away. Pero matino pa ako nun, nang nakita
ko kayo ni Nathan. “
Naka-yuko nalang si Nathan. Ang lakas-lakas ng music niya na naririnig ko galling sa earphones niya. He looked absolutely sad.
AAAAAAY NA. Magpaka-tatag ka nga Issa. Pride mo, kakainin mo nanaman!