ANG SIMULA

1.1K 30 7
                                    


"Bakit hindi ka umiiyak?" tanong sa akin ni Markus habang nakatanaw sa langit sa may terasa. Maulap nang mga sandaling iyon dahil halos hindi makita ang bilog na buwan at nagkukubli naman ang mga bituin.

Paubos na ang hinihithit niyang sigarilyo. Ilang minuto na ba kami nakatambay dito? Baka oras na nga, e. Hindi na namin namalayan ang oras dahil parehong okupado ang mga isip namin.

"Bakit naman ako iiyak?" nagtatakang tanong ko.

"Kasi nakikipaghiwalay na ako. 'Di ba dapat masaktan ka?" aniya.

Huminga ako nang malalim at mapait na ngumiti. "Alam ko kasing darating tayo sa puntong ito. Alam kong iiwan mo rin naman ako anumang oras. Handa na ako. Wala ng dahilan para umiyak pa ako sa bagay na alam ko namang mangyayari," paliwanag ko sa kanya.

Nangunot ang noo niya. Ibinuga muna niya ang usok ng sigarilyo mula sa kanyang bibig bago nagsalita.

"So alam mo na palang maghihiwalay tayo? Gano'n ba?" nagtataka niyang sabi.

"Hindi naman. Naisip ko lang. Kailangan ko lang i-secure ang sarili ko sa mga possibility na pwedeng makapanakit sa akin. Don't you know kung gaano kalaking pinsala sa tao ang ginawa mo? Na pwedeng kung ibang tao 'to, for sure, may tendency na siya ng mental disorder?"

"A-alam ko," nag-aalinlangang sagot niya.

"But you chose to break my heart kahit alam mong pwedeng ikasira ko 'yun?" Ngumiti ako sa kanya. "Alam mo ba? No'ng time na pinili kita, wala akong pag-aalinlangan at buo ako no'n. Kasi kapag nagmahal ka, dapat fast forward. Naiisip mo na kaagad na siya ang makakapiling mo habambuhay."

Napangiwi siya. Nagsisisi na ba siya? Hindi. Hindi 'yun ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Pero na-realize ko, bakit parang may mali? Masyado na tayong nasasanay sa isa't-isa. And by the time na masanay na tayo sa isa't-isa kahit okay tayo, magsasawa pa rin tayo. Hindi pwedeng adobo na lang palagi. Hindi gano'n ang buhay."

"So hindi lang pala dapat ako ang magsabing maghiwalay na tayo? It's a mutual understanding naman pala. Kaya hindi gano'n kasakit para sa 'yo ang hiwalayan ako," aniya na tila parang may paniniguro.

"Hindi mo nakuha ang point ko, no'? Yes, may mga memories na tayo na dapat chine-cherish pero hindi sapat 'yun para mag-hold on ka pa sa isang relasyon. Kapag na wala na ang isang ingredient sa relasyon tulad sa pagkain, gumagara ang lasa," paliwanag ko sa kanya.

Napailing siya at natatawa. Sign ba 'yan na naging toxic ako sa relasyon namin at nagagawa pa niyang tumawa dahil hiwalay na kami?

"'Yan talaga ang nagustuhan ko sa 'yo. Masyado kang malalim mag-isip. Lahat na lang 'ata binibigyan mo ng comparison para maipaliwanag mo nang maayos," nangingiti niyang sabi.

Hindi ko akaling ganito ang kalalabasan ng first break-up ko. Isang katatawanan. Hindi isang mala-teleseryeng tagpo kung saan maghihinagpis ang bida para habulin ang kabiyak upang magsumamong bumalik ito sa kanya.

Pero hindi nga pala ako ako sa isang bida. Isa lamang akong hamak na kasama sa kwento para mapakita ang improvements ng bidang karakter.

Panandaliang tumahimik sa pagitan namin. Walang gustong umimik. Parehong malalim ang iniisip. Kung saan patungo, 'yun ang hindi ko alam. Basta ang alam ko, magkakilala na lang kami.

FINDING DAVE (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon